• December 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sapilitang pagbabakuna sa mga manggagawa at may-ari ng tiangge workers, oks sa MM Mayors—Abalos

NAGKAISA at pumayag ang mga National Capital Region (NCR) mayors na sapilitang bakunahan ang mga manggagawa at may-ari ng tiangge.

 

Ang katwiran ng mga ito ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos, ang mga tao sa tiangge ay nagmula sa iba’t ibang lugar at mayroon lamang seasonal visitors.

 

 

Ibig sabihin lamang nito ay malaking hamon ang contact tracing.

 

“Ang napagkasunduan is that ‘yung mga tiangge na magpa-pop out dito, gagawing mandatory na ‘yung mga tatao rito o may-ari ay mabakunahan,” ayon kay Abalos.

 

Nauna rito, hindi pabor ang ilang mga senador sa planong gawing mandatory ang COVID-19 vaccination sa pag-asang mas mapabibilis nito ang kampanya sa pagbabakuna sa buong bansa.

 

Kabilang sa nagpahayag ng kanilang pagsalungat ay sina Senator Kiko Pangilinan, Risa Hontiveros at Senate President Tito Sotto.

 

Matatandaang inilatag ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang planong i ‘disincentivize’ ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na hindi pa nababakunahan kontra COVID-19.

 

Ayon kay Pangilinan, ang 4Ps ay hindi dapat nakadepende sa isang kundisyon dahil karapatan ng mga benepisyaryo nito ang makatanggap ng subsidiya.

 

Dagdag pa ng senador, dapat ay ipaubaya rin ng pamahalaan sa mga barangay ang vaccination program dahil mas madali sa mga ito na matukoy kung sino pa ang hindi nababakunahan upang maidirekta naman sa kani-kanilang mga local government units.

 

Idiniin naman ni Hontiveros na walang nakasaad sa Republic Act 11310 o “4Ps Law” na dapat ay bakunado ang miyembro nito upang makakuha ng benepisyo.

 

“Conditions under [it] are fixed and conditionalities may be suspended because we’re still under a state of calamity until September 2022. The Department of Social Welfare and Development (DSWD) and the Department of Health (DOH) should work together with parent leaders to continue their efforts to promote health and wellness by encouraging 4Ps to get vaccinated, instead of making it a conditionality,” aniya.

 

“Nung simula ay wala pa sa 40% ng mga taga Metro Manila ang gustong magpabakuna. Ngayon ay lampas 80% na ang nagpabakuna. Basta’t maayos ang paliwanag at may tiwala sa magpapaliwanag, magpapabakuna naman ang mga Pilipino,” dagdag pa ni Hontiveros.

 

Ayon naman kay Sotto, ang pag-pwersa sa mga residente na mabakunahan kontra COVID-19 ay maaaring sampal rin sa civil rights ng mga ito. (Daris Jose)

Other News
  • 3 anggulo, sinisilip sa Laguna chopper crash

    SINISILIP ng Philippine National Police ang nasa tatlong anggulo sa nangyaring pagbagsak ng helicopter na sinakyan ng hepe ng kapulisan kasama ang 7 iba pa, ayon sa nangunguna sa imbestigasyon.   Huwebes, Marso 5, nang gulantangin ang lahat matapos na bumagsak ang Bell 429 chopper sakay si Philippine National Police chief Gen. Archie Gamboa matapos […]

  • Naka-experience na ng kanyang first mammogram: BB, matagal nang walang contact at may sama ng loob sa pamilya

    SA unang pagkakataon ay naka-experience na ang transwoman na si BB Gandanghari ng first mammogram niya.     Ang mammogram ay ang pag-examine sa women’s breasts for early detection of cancer.     Limang taon nang kinikilala bilang babae si BB sa Amerika kaya required sa kanyang physical exam ang magpa-mammogram para sa kanyang insurance […]

  • Magkaisa para sa 32nd Olympics 2020- Romero

    “First of all, I would like to congratulate my good friend, Cong. Bambol, for securing a full four-year term this time. It’s a tough job being the president of POC but I know he can handle it being a seasoned leader both as sportsman and politician,” bulalas nitong isang araw ng amateur basketball godfather sa […]