• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Saso muling pumuwesto sa ika-50, binulsa P489K

RESPETADONG winakasan ni Yuka Saso ang kampanya sa binirang one-under par 71  pa-even 288 sapat sa seven-way tie para sa 50th place uli at premyong $10,081 (₱489K) sa 72nd Ladies Professional Golf Association (LPGA) Tour 2021 fifth leg – $3.1M 39th Ana Inspiration 2021 sa  Dinah Shore Tournament Course ng Mission Hills Country Club sa Rancho Mirage, California nitong Abril 2-5 lang.

 

 

Kagayang puwesto ito ng 19 na taong-gulang na Pinay-Haponese ang sa tinapos niya sa 53rd Japan LPGA Tour 2020-21 17th leg ¥100M 12th T-Point Eneos 2021 sa Kagoshima na rito’y nabiyayaan siya ng  ¥400K (₱175K) noong Marso 19-21.

 

 

Dumale sa US major crown sa buwena-mano niyang panalo sa dalawang palo sa paliga ang produkto ng University of California-Los Angeles na si Patty Tavanakit, 21, ng Thailand, sa 68-270 na may $465K (₱22.5M).

 

 

Ineklipsehan niya ang tournament-tying single-round record 62 at tourney-mark 29 sa front nine ni  Lydia Ko ng punong abalang bansa na may 72-hole tole 272 at magkasya para sa $287,716 (₱14M). Tersera ang apat na golfer na may 277 at $151,615 (₱7.3M).

 

 

Nganga sa gantimpala ang nalagak sa siyam na magkakasosyo sa ika-87 posisyon ang isa pang pambato ng ‘Pinas na si Bianca Isabel Pagdanganan na sumablay ng tatlong palo para ma-cut makalipas ang second round. (REC)

Other News
  • PBBM sa mga pinoy, alalahanin ang mga biktima ng bagyo ngayong Pasko

    HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga Filipino, araw ng Lunes na alalahanin ang mga biktima ng bagyo at paghihirap ng mga ito ngayong Kapaskuhan.     “Sana naman pagkadating ng Pasko, tayong mga Pilipino, alalahanin natin ang ating mga kababayan na nasalanta,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.   Inihayag ito ng Pangulo […]

  • Paggamit ng SUCs bilang quarantine facility, tuluy-tuloy lang-CHED

    Tuluy-tuloy ang paggamit ng State Universities at Colleges SUCs bilang quarantine facilities hanggang kailangan ng local governments ang pasilidad ng state universities.   Sinabi ni  Commission on Higher Education (CHED) CHED Chairman Prospero De Vera na may 28 state unviersities at colleges  ang ginagamit ngayon bilang quarantine facilities habang nananatiling ipinagbabawal ang klase sa mga campus dahil […]

  • QC pansamantalang itinigil ang pag-isyu ng PWD ID

    Pansamantalang itinigil ng Quezon City government ang pagpoproseso ng identification card para sa mga persons with disability.   Kasunod ito sa kontrobersiya ng pagkakaroon ng mga PWD ID ang anim na miyembro ng isang pamilya kahit na ang mga ito ay hindi kwalipikado.   Sinabi ni Quezon City Mayor Joy Belmonte, simula ngayong araw hanggang […]