Saso papalo sa LPGA ‘JT’
- Published on March 26, 2021
- by @peoplesbalita
IPAGPAPATULOY ni Yuka Saso ang pagkampanya sa 53rd Ladies Professional Golf Association (LPGA) of Japan Tour 2020-21, hahambalos sa ¥80M (₱35.7M) 9th Axa Ladies Golf Tournament in Miyazaki 2021 sa UMK Country Club sa Miyazaki Prefecture, Japan sa Marso 26-28.
Magsisilbi ang tatlong araw na torneo para sa 19-anyos na Pinay-Japanese na ipinagmamalaki ng San Ildefondo, Bulacan na ika-18 niya sa Tour makalipas maka-14 sa 2020 at ikaapat sa kasalukuyang taon.
Kaka-triple-tie lang ng top Philippine pro sa 50th place sa 12th sa T point x Eneos golf tournament sa Kagoshima Prefecture nitong Linggo na rito’y kumita siya ng ¥400K (₱178K).
Kabilang si Saso sa walong magkakasalo sa ika-12 posisyon na na may grasyang ¥1.080M (P480K) sa 14th Meiji Yasuda Seimei Ladies Yokohama Tire Golf Tournament 2021 sa Tosa Country Club sa Kochi Prefecture noong Marco 14.
Sumablay siya sa cut sa pagsosyo lang sa eight-way tie sa 63rd spot sa 34th Daikin Orchid Ladies Golf Tournament 2021 noong Mar. 7 sa Rykyu Golf Club sa Okinawa Prefecture kaya nabokya sa papremyo. (REC)
-
Sotto magpapalakas pa!
AMINADO si Gilas Pilipinas standout Kai Sotto na kailangan pa nitong magpalakas upang mas maging matagumpay sa mga susunod na laban na haharapin nito. Bahagi si Sotto ng Gilas Pilipinas na sumabak sa dalawang laro ng tropa sa fourth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers na ginanap sa Beirut at Manila. […]
-
Pacquiao nasa 50% na ang training – Nonoy Neri
GENERAL SANTOS CITY – Nalaman na noon pa naghahanda si eight Division world champion Manny Pacquiao subalit hindi pa tinumbok kung sino ang magiging kalaban sa ring. Habang naglabasan sa social media ang nilulutong laban kay Terence Crawford na gagawin sa Hunyo 5 sa Abu Dhabi . Sinabi ni Nonoy Neri […]
-
Posibleng paghihigpit sa pagpapauwi sa mga probinsiya ngayong papalapit na Holy Week
NAKAANTABAY ang Malakanyang kung magkakaroon ng paghihigpit sa magiging pagbiyahe o pag- uwi ng marami sa ibat-ibang mga lalawigan para sa nalalapit na Mahal na Araw. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, sa ngayon ay wala pa siyang maisasagot kung paano ang magiging set up sa magiging pag-uwi ng mga kababayan nating nais na […]