Sec. Andanar, nagpatulong na sa mga youth leaders ng Northern Mindanao para maglaganap ng tamang impormasyon ukol sa covid 19
- Published on September 4, 2020
- by @peoplesbalita
HUMINGI na ng tulong si Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar sa mga youth leaders sa Northern Mindanao para tulungan ang komunidad na magpalaganap ng tamang impormasyon at kamalayan ukol sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic.
Binigyang diin ni Sec. Andanar, pinuno rin ng Cabinet Officer for Regional Development and Security for Region 10 (Cords-10), ang magiging papel ng Sangguniang Kabataan (SK) o youth council sa bawat barangay na tulungang turuan ang kanilang komunidad hinggil sa pandemiya na tiyakin na sumusunod sa health protocols para maiwasan na kumalat ang Covid-19.
“I want Region 10 to be the best region in fighting Covid-19. I want Region 10 to become number one in the fight against Covid-19. I will do my best to meet you because the majority of the population belongs to the youth and we need to protect our youth from Covid-19,” ayon kay Sec. Andanar, araw ng Miyerkules sa isinagawang online meeting kasama ang mga SK leaders ng lungsod.
Sinabi pa ni Sec. Andanar na ang “core message” ng kampanya ng pamahalaan laban sa
Covid-19 ay maaaring pagsamahin at makabuo ng acronym na PDITR: “Prevention, Detection, Isolation, Treatment, and Reintegration (PDITR).
Aniya, ang mga SK officials ay makatutulong ng malaki sa pamahalaan lalo pa’t “you govern a huge population of young people and you are our direct link to them.”
At dahil sa may umiiral na education information at communication campaigns mula sa Department of Health (DOH) ay sinabi ni Sec. Andanar na ang nga youth leaders ay makatutulong na magpakalat ng mahahalagang impormasyon sa pamamagitan ng social media. (Daris Jose)
-
P12.4 B CRK terminal building nagkaron ng inagurasyon
Nagkaron ng inagurasyon ang P12.4 state-of-the-art na terminal building ang Clark International Airport na ginanap noong nakaraang Sabado. Ang nasabing bagong airport ay mayroon state-of-the-art features tulad ng contactless baggage handling at passenger check-ins and check-outs na siyang kinatuwa ni President Duterte ng siya ay dumalo sa inagurasyon. “We are thankful […]
-
MMDA, walang patid ang declogging operations sa mga kanal at estero
WALANG patid ang declogging operations ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga kanal at estero bilang paghahanda ngayong tag-ulan. Bukod dito, nakatutok din ang MMDA sa 64 pumping stations na pawang gumagana naman lahat. tatlo nag bago rito. At para sigurado na walang mga damage ang mga pumping stations ay naglagay ang […]
-
PBBM, pinasinayaan ang P1B Pier 88, nangako ng mabilis na biyahe sa Visayas
PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang grand launching ng Pier 88 sa munisipalidad sa lalawigan ng Visayas, nag-alok nang mas mabilis na transport alternative para sa mga mananakay at cargo sa Cebu. “It’s encouraging to see that a massive undertaking such as this, where the local government takes the lead and collaborates […]