• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sec. Lorenzana, pinabulaanan ang ulat na magkaiba sila ng ‘tono’ ni PDu30 sa usapin ng incursion ng China sa WPS

PINABULAANAN ni Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana ang ulat na taliwas ang kanyang mga pahayag sa mga naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa usapin ng incursion o pagsalakay ng China sa West Philippine Sea (WPS).

 

Aniya, ang naging kautusan ni Pangulong Duterte sa defense department hinggil sa WPS ay “firm and straightforward” at ito ay ang ipagtanggol ang pag-aari ng bansa na hindi maglulunsad ng giyera.

 

“President Duterte’s orders to us have been very firm and straightforward: defend what is rightfully ours without going to war and maintain the peace in the seas. Yung nagsasabi na hindi kami align ng Presidente ” ayon kay Sec. Lorenzana.

 

At bahagi aniya ng tinatawag na ‘long-standing and multi-faceted relationship’ ng Pilipinas sa China, sinabi ng Kalihim na kapuwa pinapanatili ng daawang bansa ang kooperasyon sa iba’t ibang larangan na ‘mutually beneficial’ sa mga Filipino at mga tsinoy.

 

“We can be cordial and cooperative with other nations but not at the expense of our sovereignty and sovereign rights,” dagdag na pahayag nito.

 

Giit pa ni Lorenzana sa kabila ng taglay ng China ang mas ‘superior military capabilities’ ay hindi naman aniya ito hadlang sa kanila para depensahan ang national interest  at dignidad ng mga Filipino gamit ang lahat ng ‘available resources o assets.’

 

“Thus, the conduct of maritime patrol in the WPS and Kalayaan Island Group by the Philippine Coast Guard and the Bureau of Fisheries and Aquatic Resources will continue. The government will not waiver in its position. Walang alisan ,” ang pahayag ni Lorenzana.

 

Bukod dito, sa pinakahuling kaganapan aniya ay malinaw na kailangan na mayroong pangangailangan na ang lahat ng stakeholders ay makikipagtulungan.

 

“They can now take this as an opportunity to advance the values and principles we collectively affirm and profess to respect – including the peaceful settlement of disputes – as partners and as signatories to UNCLOS (United Nations Convention for the Law of the Sea) and all relevant international instruments,” anito.

 

Sa ulat, sinabi ni Lorenzana na waang legal na basehan ang China na pigilan ang Pilipinas na magsagawa ng maritime atrol sa WPS.

 

Wala aniyang basehan ang nine-dash line ng China na siyang ipinangangalandakan nito.

 

Giit ni Lorenzana, wala umano ito sa 1982 UNCLOS at pinawalang-bisa sa 2016 Permanent Court of Arbitration na pumapabor sa hirit ng Pilipinas sa mga exclusive economic zone (EZZ) sa South China Sea. (Daris Jose)

Other News
  • 2 barangay sa Navotas, isinailalim sa lockdown

    ISINAILALIM sa dalawang linggong lockdown ang dalawang barangay sa Navotas City simula August 3 ng hating gabi hanggang 4am ng August 16 dahil sa mabilis na pagdami ng hawaan ng COVID-19.       “Napilitan po tayong magpatupad ng lockdown sa Tanza 1 at Tanza 2 dahil sa mabilis na pagdami ng mga nahahawaan ng […]

  • Tennis star Kei Nishikori, umatras sa US Open tune-up matapos dapuan ng COVID-19

    Inanunsyo ni Japanese tennis star Kei Nishikori na umurong na ito sa lalahukan sanang tune-up tournament sa New York makaraang magpositibo sa COVID-19.   Ito’y dalawang linggo bago magsimula ang US Open sa Agosto 31.   Ayon sa dating world No. 4, nananatili ito ngayon sa IMG Academy sa Bradenton, Florida, at hindi na rin […]

  • MAHIGPIT NA IPATUTUPAD ANG ELECTION GUN BAN SA MM

    Tiniyak ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na mahigpit nilang ipatutupad ang election gun ban sa Metro Manila simula Enero 9.     Ayon kay NCRPO chief Police Major General Vicente Danao Jr., lahat daw ng klaseng baril na mayroong license at permit to carry ay hindi na dapat ilabas sa bahay ng gun […]