SEKYU TODAS SA DALAWANG KABARO
- Published on December 30, 2020
- by @peoplesbalita
Rehas na bakal ang kinasadlakan ng dalawang security guard matapos barilin at mapatay ang 21-anyos na security guard na mula sa ibang agency kasunod ng isang kaguluhan sa Malabon city, kamakalawa ng gabi.
Dead-on-the-spot sanhi ng tama ng bala sa katawan si Yasser Ampuan ng Prostegein Security Agency at residente ng North Fairfiew, Quezon city.
Nadakip naman ng rumespondeng mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 3 ang mga suspek na kinilalang si Edward Pahila, 42 at Rey Anthony Sabanal, 38, kapwa ng Giross Security Agency.
Ayon kina police homicide investigator P/SSgt. Ernie Baroy, nasa kanilang puwesto ang mga suspek sa 7210 BNM Dulong Bautista St. Brgy. Panghulo nang dumating ang biktima, kasama ang tatlo pang security guards alas-7:39 ng gabi at sinabi sa mga suspek na ang kanilang security agency ay magtatalaga ng isang duty guard malapit sa kanilang post.
Isang kaguluhan ang sumunod hanggang sa magpaputok ng warning shot ang mga suspek bago itinutok ang kanilang baril sa biktima at binaril ito sa katawan na nagresulta ng kanyang kamatayan.
Napag-alaman ng mga imbestigador na ang lugar na binabantayan ng mga suspek ay nahaharap sa alitan sa lupa sa pagitan ng dalawang partido na parehong inaangkin na pagmamay-ari nila ang lupa. (Richard Mesa)
-
COVID-19 cases sa Metro Manila, posibleng umakyat sa 60K kada araw – OCTA
Muling nagpalabas ng panibagong babala ang OCTA Research Group kahapon sa pagsasabing maaaring umabot sa 60,000 ang arawang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Metro Manila lamang sa pagtatapos ng Setyembre. “Ang nakikita natin ay ‘yung active cases natin maaaring umabot ng 60,000. Baka 70,000 mataas na ‘yan,” ayon kay Dr. Guido […]
-
Ads October 5, 2020
-
PBBM, muling nanawagan kay Cong. Teves na umuwi na ng Pinas
PINAYUHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. na magbalik-Pinas na at harapin ang alegasyon laban sa kanya ukol sa pagpatay kay Negros Oriental governor Roel Degamo at iba pa. “Come home. That’s the best advice I can give him. Come home,” ayon kay Pangulong Marcos bilang […]