• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sen. Pacquiao, bagong pangulo ng PDP-Laban party

Pormal ng nanumpa bilang bagong pangulo ng Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban) si Senator Manny Pacquiao.

 

Sinabi ni PDP-Laban executive Director Ronwald Munsayac, napili rin si House Speaker Lord Allan Velasco bilang bagong executive vice president ng partido.

 

Si Pacquiao aniya ay naging “acting national president” na bago pa pormal na italaga sa ruling party na kinaaniban ni Pangulong Rodrigo Duterte.

 

Sinabi pa ni Munsayac, ipinasa na ni Senator Aquilino Pimentel III ang pamumuno sa kapwa nito senador para sa paghahanda ng partido sa 2022 national at local elections.

 

Tiniyak naman nito mahigpit na makikipag-ugnayan ang bagong lider ng partido sa kanilang chairman na si Pangulong Duterte. (ARA ROMERO)

Other News
  • ‘Back-riding’ para sa mga couple, pinayagan na

    Inanunsyo ni Interior Secretary Eduardo Año na ang back-riding sa mga motorsiklo ay pinapayagan na simula ngayong araw, Biyernes, July 10 ngunit para lamang sa mga couple.   “Yes, simula July 10 ay papayagan na natin ‘yung back-riding para sa mga couples at ‘yung prototype model na [ibinigay] ni Governor Arthur Yap ay approved na […]

  • Football legend Diego Maradona, nagpositibo sa COVID-19

    NAGPOSITIBO sa coronavirus ang Argentinian football legend na si Diego Maradona.   Kinumpirma ito ng kaniyang abogadong si Matias Morla matapos isagawa ang swab test sa kaniyang bahay.   Nais kasi ng 59-anyos na dating striker na mapanatag ang loob kaya sumailalim ito sa testing.   Itinuturing na greatest foot- ball player of all time […]

  • SC: Inutos na ihinto ang ticketing system ng mga LGUs, sundin ang single ticketing ng MMDA

    PINAG-UTOS ng Supreme Court (SC) na ihinto ng mga Local Government Units (LGUs) ang pagpapatupad ng kanilang ticketing system at sundin ang single ticketing system ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).       Ang single ticketing system ng MMDA ay nagpapatong ng “standardized” na fines at penalties para sa mga traffic violations sa Metro […]