• November 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sen. Win, Bistek laglag sa senatorial lineup ng Lacson-Sotto tandem

NILILINIS na nina Senador Panfilo Lacson at Senate President Vicente Sotto III ang kanilang senatorial line up para sa darating na eleksyon.

 

 

Sa isang tweet sinabi ni Lacson na tanggal na sa line-up si Sen. Win Gatcha­lian at dating QC Mayor Herbert Bautista na may iba na umanong piniling suportahan na prinisipyo at adbokasiya.

 

 

Si Gatchalian at Bautista ay kasapi ng Nationalist Peoples Coalition kung saan si Sotto ang national chairman na hindi dumalo sa proclamation ng Lacson-Sotto Tandem sa Cavite, subalit present naman sa kandidatura ng Marcos-Duterte tandem sa Bulacan.

 

 

Sinabi naman ni Sotto na inaalam pa nila kung kapanalig pa nila sila Sen. Richard Gordon at dating Vice-President Jejomar Binay na kapwa wala sa kanilang rally.

 

 

Sa ngayon ang kani­lang ini-endorso ay sina Senators Joel Villanueva, Migz Zubiri; dating senators Loren Legarda at JV Ejercito, Gringo Honasan at Chiz Escudero.

 

 

Gayundin sina da­ting PNP Chief Guillermo Elea­zar, dating Congressman Monsour Del Rosario, Dra. Nikita Padilla, Raffy Tulfo at dating Agriculture Secretary Manny Piñol.

 

 

Nauna nang sinabi ni Sotto na mayroon silang usapan na pwedeng makasama sa kanilang senatorial line-up basta wala silang hayagang i-eendorso sa pagkapangulo at pangawalang pangulo.

 

 

Sinabi naman ni Gat­chalian na nirerespeto niya ang desisyon ng tambalang Lacson at Sotto at bagamat wala siya sa line up ng dalawa ay mataas pa rin ang respeto niya sa dalawa.  (Daris Jose)

Other News
  • Nakaabot naman sa Top 10 si Michelle: SHEYNNIS PALACIOS, kauna-unahang Miss Universe na mula sa Nicaragua

    MISS Universe 2023 made history dahil sa unang pagkakataon na manalo ng beauty queen from Nicaragua na si Sheynnis Palacios.       Ginanap ang 72nd Miss Universe coronation ceremonies sa Jose Adolfo Pineda Arena in San Salvador, El Salvador.       Kinabog ni Palacios ang 84 other candidates sa simula pa lang ng […]

  • Pag-angkat ng asukal sa ibang bansa tuloy pa rin, maaring sa Oktubre na – PBBM

    BINIGYANG  linaw ngayon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na mag-aangkat pa rin ang bansa ng mga asukal mula sa ibang bansa.     Sinabi nito bilang siya rin ang kalihim ng Department of Agriculture (DA) na ang nasabing bilang ay mas mababa kumpara sa dating 300,000 metric tons na panukala.     Maaring mayroon lamang […]

  • Grab rider, 3 pa timbog sa Malabon, Valenzuela buy bust

    MAHIGIT P.1milyon halaga ng shabu ang nakumpiska sa tatlong umano’y tulak ng ilegal na droga, kabilang ang 39-anyos na Grab rider na naaresto sa magkakahiwalay na buy bust operation sa Malabon at Valenzuela Cities.     Ayon kay Malabon police chief P/Col. Amante Daro, alas-4:50 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station […]