• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Senate hearings kaugnay sa Maharlika Fund bill, sisimulan na sa Pebrero

MAAARING simulan na sa buwan ng Pebrero sa susunod na taon ang deliberasyon ng Senado kaugnay sa Maharlika Investment Fund (MIF) bill.

 

 

Ginawa ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang pahayag habang hinihintay ng Senado ang pinal na bersyon ng House of Representatives.

 

 

Dahil ang mga sesyon ay ipinagpaliban sa parehong kapulungan ng Kongreso, sinabi ni Zubiri na ang lahat ng mga panukalang batas na ipinasa ng Mababang Kapulungan ay maaari lamang ilipat o i-refer sa Senado sa Enero 23, 2023.

 

 

Pagkatapos nito, sinabi ng pinuno ng Senado na ang panukalang batas na inaprubahan ng Kamara ay dadaan sa unang pagbasa pagkatapos ay ire-refer ito sa hindi bababa sa apat na komite, partikular na ang committee on banks, financial institutions, at ang mga currencies, na siyang magiging lead panel, at ang mga komite sa mga korporasyon ng pamahalaan at mga pampublikong negosyo; ways and means; at pananalapi bilang pangalawang komite.

 

 

Binigyang-diin din ni Zubiri na ang bilis ng pagpasa ng Maharlika Investment Fund (MIF) bill ay depende sa kung paano papatol si Villar sa mga deliberasyon sa panukala.

 

 

Nauna nang sinabi ni Zubiri kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na sasailalim sa mahigpit na talakayan sa itaas na kamara ang panukalang batas ng Maharlika Investment Fund (MIF).

 

 

Noong Huwebes, ipinasa ng House of Representatives sa ikatlo at huling pagbasa ang Maharlika Investment Fund (MIF)bill. (Daris Jose)

Other News
  • Resulta ng pagbisita sa Indonesia, lagpas pa sa inaasahan – PBBM

    NAGING mas produktibo kumpara sa inasahan ni Pangulong Ferdinad Marcos Jr., ang kanyang kauna – unahang State Visit sa Indonesia.     Sa ginawang ulat pangulo bago tumulak patungong Singapore, sinabi nito na mayroong mga diskusyon ang natalakay na wala sa plano, at mayroong mga aktibidad ang nagawa kahit wala sa schedule.     Una […]

  • Scola ambassador ng 2023 FIBA WC

    PINANGALANAN  si Argentina hero Luis Scola bilang Global Ambassador ng FIBA Basketball World Cup 2023 na idaraos sa Pilipinas, Japan at Indonesia.     Bilang ambassador, pangungunahan ni Scola ang pagpo-promote sa FIBA World Cup kabilang na ang draw ceremony na idaraos sa susunod na taon.     Si Scola ang second all-time top scorer […]

  • Kelot isinelda sa panghahalay sa nene sa Navotas

    REHAS na bakal ang kinasadlakan ng isang lalaki matapos gahasain ang isang menor-de-edad na babae na may problema umano sa pag-iisip sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.     Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang suspek bilang si Rodante Tenso, 40 ng 147 R. Domingo St., Brgy. Tangos North.     Sa […]