SENIOR SA MAYNILA MAY SARILING HOTLINE
- Published on June 22, 2020
- by @peoplesbalita
HINDI na maabala pa kung may problema o katanungan ang isang Senior Citizen sa Maynia matapos na pagkalooban sila ng sariling hotline na maari nilang tawagan.
Ito ay matapos iutos ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno”Domagoso ,ang pagbuo ng call center at inatasan din si Office of the Senior Citizens (OSCA) Marjun Isidro na i update ang listahan ng mga senior citizens sa Maynila para malaman kung sino ang mga nagsilipat na ng tirahan at pumanaw na.
“Sisiyasatin mabuti ang mga sumakabilang-buhay o lumipat na para ang datos namin ay tama kasi, pera ng taumbayan ‘yan kailangan maging masinop kami sa pangangalaga ng pera ng bayan,”ayon kay Moreno.
Kasabay nito,sinabi ni Moreno na target niyang tapusin sa loob ng tatlong buwan ang activation at papamahagi ng PayMaya cards na maglalaman ng P500 pension kada buwan para sa may 150,000 senior citizen simula noong Enero .
Sinabi ni Moreno na gusto niya na lahat ng senior citizen sa siyudad ay magkaroon ng pension,kahit pa man sila ay mayaman , mahirap o middle class at ang mga cards ay idi deliver mismo sa kanilang bahay.
“Isa-isang inaayos ang mga cards bilang tulong sa OSCA. Ang gusto ko, ayusin ang datos kasi masakit pakinggan na dalawang magkaibigang senior, isa nagkaroon tapos ‘yung isa wala. Walang maiiwan,” ani kay Moreno.
Alam umano ni Moremo na kapag ang isang tao ay tumanda na,limitado na ang kanyang kapasidad na kumita kaya iniisip ng gobyerno na matulungan sila kahit sa maliit na paraan.
“Gusto natin matulungan ang mga senior citizens kaya naisip natin ang regular na ayuda pambili man lang ng paracetamol. Maliit pero gusto ko lahat masaya,” dagdag pa ni Moreno. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Sky Candy pinapaboran
MAY pitong kabayo ang idineklarang mga tatakbo sa pag-arangkada ng 2020 Philippine Racing Commission (Philracom) 3-Year-Old Imported/Local Challenge Race sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite kahapon (Linggo, Oktubre 25). Nagtagisan sa papremyong sina American Factor, In The Zone, Kick The Gear, Phenom, Sky Candy, Spuntastic at Tony’s Love. Nakikinita ng mga […]
-
Willie Revillame, naipamigay na ang P5M ayuda para sa higit 3,000 jeepney drivers
Maayos na naipamahagi ni Willie Revillame ang limang milyong pisong ayuda para sa jeepney drivers ngayong Miyerkules ng tanghali, August 19. Personal itong inasikaso ni Willie. Sa central office ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) tinipon ang transport leaders at jeepney drivers na hindi miyembro ng kahit anong transport group. Nakatanggap […]
-
COVID-19 outbreak sa Pinas, malabo
MALABO umanong makaranas muli ang Pilipinas ng malakihang COVID-19 outbreak, sa kabila nang naitatalang pagtaas ng mga bagong kaso ng sakit nitong mga nakalipas na araw. Ayon kay Department of Health (DOH) Secretary Ted Herbosa, sa kanyang palagay ay hindi na mauulit pa ang COVID-19 outbreak na nakita noong kasagsagan ng pandemiya, kung […]