Serena vs Venus sa Top Seed Open
- Published on August 13, 2020
- by @peoplesbalita
Nagbalik si Serena Williams sa paglalaro matapos mamahinga dahil sa COVID-19 outbreak at talunin si Bernarda Pera upang maikasa ang ikalawang laban kontra sa kanyang kapatid na si Venus sa Top Seed Open sa Lexington, Kentucky.
Haharapin ng top seed na si Serena si Venus matapos naman nitong talunin si dating world number one Victoria Azarenka 6-3 6-2 sa first-round match.
Medyo hindi maganda ang simula ni Serena sa unang set kontra sa kapwa American na si Pera, pero agad din nitong nakuha ang kanyang kumpiyansa at kumana ng pitong aces at sumagip ng 11 sa 13 break points upang manalo sa iskor ng 4-6 6-4 6-1.
“It’s good just in general because I haven’t played. A lot of players have been playing – little things and little matches and playing against other players – but I’ve only been training so this was really good for me,” ani Serena na nangakong lalaro rin sa US Open sa Aug. 31 hanggang Sept. 13
-
Pagkatalo ni 8-time World Champion Sen. MANNY, senyales na mag-retire na at umatras sa pagka-Pangulo
HINDI inaasahan nang marami ang pagkatalo ni Sen. Manny Pacquiao sa laban nila ni Yordeni Ugas via unanimous decision. Comment ng mga netizens, parang kulang na raw sa power ang suntok ni Manny. Hindi na rin daw masyadong mahusay ang ipinakita ni Manny sa laban. Kung nanalo si Manny, yun ang kanyang […]
-
Sara Duterte ‘tatakbo talaga sa pagkapangulo’
Tutungo na raw talaga sa pagtakbo sa pagkapangulo si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, pagbabahagi ng isa niyang kaalyado sa pulitika. Martes kasi nang umatras si Duterte-Carpio sa kanyang re-election bid sa 2022 sa Davao, dahilan para lumakas ang ugong-ugong na tatakbo siya sa pagkapresidente sa pamamagitan ng substitution bago ang deadline nito sa ika-15 […]
-
Tautuaa, Gilas ‘Pinas 3×3 babatak sa ‘Calambubble’
UUMPISAHAN na sa darating ng Linggo ng Gilas Pilipinas national men’s 3×3 basketball team ang ‘Calambubble’ training camp sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna bilang preparasyon sa International Basketball Federation Olympic (FIBA) Qualifying Tournament sa Mayo 26-30 sa Graz, Austria. Magpapatikas ng porma sina Philippine Basketball Association (PBA) stars Moala ‘Mo’ Tautuaa […]