• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Service Contracting, Libreng Sakay magpapatuloy gamit ang 1.285-B budget-DBM

PATULOY pa rin na makaka-avail ang mga mananakay ng Libreng Sakay kabilang na iyong nasa  EDSA Busway system,  gamit ang halagang P1.285 billion na ilalagay sa Service Contracting program sa ilalim ng Department of Transportation (DOTr) budget ngayong taon.

 

 

Ito’y alinsunod sa Republic Act No. 11936, o Fiscal Year (FY) 2023 General Appropriations Act, na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

 

 

“May pondo po ang Service Contracting Program sa ating FY 2023 GAA. Naglaan po ang pamahalaan ng Php1.285 billion para maipagpatuloy ang programang ito ngayong taon,” ayon kay Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah F. Pangandaman.

 

 

Ang Service Contracting program,nagbigay-daan sa pagpapatuloy ng Libreng Sakay ay magbibigay ng “free bus rides” para sa publiko, kabilang na ang bus commuters sa kahabaan ng EDSA.

 

 

Kinilala naman ng Kalihim ang kahalagahan ng Libreng Sakay sa mga Filipinong mananakay.

 

 

“We understand the plight of our commuting public. And so President Bongbong Marcos gave us a directive to do our part, and to exert our best to help ease their burden. The Service Contracting Program, which funds Libreng Sakay is a big help,” ayon kay Sec. Pangandaman.

 

 

“Malaking tulong po ang tipid-pasahe sa araw-araw na pamumuhay ng mga kababayan natin. Whatever amount they save daily, they can reallocate to equally or more important needs such as budget for food, electricity, tuition fee, among others,” dagdag na wika ng Kalihim.

 

 

Ang Libreng Sakay ay joint program ng  DOTr at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para tulungan ang mga mananakay sa gitna ng tumataas na  presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo.

 

 

“As of December 27, 2022,” nakapagtala ang LTFRB ng  kabuuang 164,966,373 pasahero na nag-avail ng Libreng Sakay program sa kahabaan ng  EDSA sa nakalipas na taon. (Daris Jose)

Other News
  • Motorsiklo nabangga ng kotse, rider todas

    NASAWI ang isang rider matapos mabangga ng kotse na nag-counter flow ang minamaneho niyang motorsiklo sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.     Nalagutan ng hininga habang ginagamot sa Quezon City Medical Hospital sanhi ng tinamong pinasala sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktimang si Mhark Asentista Sales, 37, chief mechanic at residente […]

  • National IDs ‘di tinatanggap na pruweba sa government offices

    WALA umanong silbi ang PhilSys ID o ang national ID dahil hindi ito tinatanggap na pruweba ng pagkakakilanlan ng isang indibidwal sa mga tanggapan ng gobyerno at iba pang mga opisina dahil umano sa kakula­ngan ng lagda.   “Without a specimen signature on it, the Philip­pine National ID has apparently been rendered useless as a […]

  • Pinakahihintay na wedding day ni KRIS, magaganap na ngayong Sabado at wala nang urungan

    SA Sabado, September 25 na ang pinakahihintay na araw ni Kris Bernal, ang kanyang wedding day.     So this time, mukhang wala nang urungan at wala na rin pagka-delay.     Laman ng Instagram ni Kris ang mga ginagawang preparation for her wedding at very obvious ang excitement niya.  Ni-reveal na rin niya ang designer […]