• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sharapova nagretiro, goodbye tennis na

“PLEASE forgive me. Tennis—I’m saying goodbye.”

 

Ito ang maramdaming pamamaalam ni Maria Sharapova sa sport na minahal sa kanyang kolum sa Vogue at Vanity Fair.

 

Tuluyan nang bibitawan ni tennis superstar ang paghawak sa raketa nang ianunsyo nito ang kanyang pagreretiro.
Nabuhay sa mundo ng tennis si Sharapova. Pero sa kabila ng 28-taong pamamayagpag at pagsungkit ng limang Grand Slam title, ibang kabanata naman ang gustong harapin ngayon ng 32-anyos na tennis star.

 

“Tennis showed me the world—and it showed me what I was made of. It’s how I tested myself and how I measured my growth,” may ngiti sa labing pagsiwalat ni Sharapova.

 

Anuman daw ngayon ang tatahakin o haharaping bundok handa niya itong akyatin.

 

“And so in whatever I might choose for my next chapter, my next mountain, I’ll still be pushing. I’ll still be climbing. I’ll still be growing,” paniniyak nito sa publiko.

 

Nasa ranked 373 na ngayon ang dating Russian world number 1 makaraang bumaba na rin ang kanyang performance sa nakaraang malalaking torneyo.

 

Gumawa ng sariling pangalan si Sharapova nang maabot nito ang Wimbledon title taong 2004 sa edad 17. Taong 2005, naging world’s No. 1 ito.

 

Pero nabura ang pagiging dating Russian world number 1 nito nang lumamya ang performance nito sa malalaking torneyo hanggang sa umabot na lang sa ranked 373.

 

Nadungisan din ang mabango niyang pangalan nang masangkot siya at magpositibo sa drug test sa Australian Open taong 2016 at mapatawan ng 15-month ban.

Other News
  • Yulo binalikan ang pinagsanayang gymnastics club

    NASA Japan ngayon si Paris Olympic Games double-gold medalist Carlos Edriel Yulo upang magpasalamat sa mga tumulong sa kaniya upang maabot ang pangarap.   Binisita ni Yulo ang Tokushukai Gymnastics Club kung saan nakasalamuha nito ang mga gymnasts na nag­sasanay doon.   Isa ang Tokushukai Gymnastics Club sa mga huma­sa sa kakayahan ni Yulo.   […]

  • PASOK na sa semi-final round ng Frenh Open tennis si Spanish tennis star Rafael Nadal

    PASOK na sa semi-final round ng Frenh Open tennis si Spanish tennis star Rafael Nadal matapos malusutan ang tinaguriang long-time rival nito na si Novak Djokovic sa quarterfinals.     Naging matindi ang harapan dalawa kung saan hindi nakaporma ang Serbian tennis star sa score na 2-6, 6-4, 2-6, 6(4)- 7(7).     Sa unang […]

  • Petro Gazz pasok na sa semifinals ng 2023 PVL All-Filipino Conference

    Pasok na sa semifinals ng 2023 PVL All-Filipino Conference ang Petro Gazz.   Ito ay matapos talunin ang Akari sa apat na set 25-15, 25-19, 22-25, 25-16 sa laro na ginanap sa Philsport Arena.   Nanguna sa panalo si Grethcel Soltones na nagtala ng 20 points mula sa kaniyang 16 na atake at four aces. […]