SHARON, balik na sa pagiging hurado sa ‘YFSF’ kasama sina GARY at OGIE; wish ng fans na maipalabas din sa TV5
- Published on February 2, 2021
- by @peoplesbalita
TIYAK na happy ang mga fans ni Megastar Sharon Cuneta dahil malapit na nila muling mapanood ang kanilang idol sa telebisyon.
Kasali na muli si Sharon bilang judge ng Your Face Sounds Familiar na malapit na muling mag-taping after conducting auditions.
Isa ang Your Face Sounds Familiar sa mga paboritong programa namin on TV and we are likewise happy na join na muli si Shawie sa show, together Gary Valenciano at Ogie Alcasid.
Regular celebrity contestants ang competitors sa pagbabalik ng YFSF ngayong Pebrero.
Wish ng mga fans ni Ate Shawie na sana raw pati sa TV 5 ay maipalabas din ang YFSF pero we are clueless if this is possible.
***
SUCCESFUL ang world premiere ng Anak ng Macho Dancer noong Sabado ng gabi. Marami ang humanga sa performance ni Sean de Guzman, ang bida movie na dinirek ni Joel Lamangan under Godfather Productions.
Sa huling panayam namin kay Sean, he describe himself as a risk taker at pinatunayan niya ito by accepting the challenge to play the lead of Anak ng Macho Dancer.
“Matapang po ako. Ibinubuhos ko ang tiwala ko sa isang bagay. Mahilig akong sumugal. Isa ito sa natutunan ko growing up independently,” wika ni Sean.
Pero aminado naman siya na natakot siya by agreeing to accept the lead role sa movie.
“Opo, natakot ako kasi first time ko na maging lead tapos yung buong istorya ako ang magdadala eh baguhan palang ako tapos ang mgakatrabaho ko ay malalaking artista. Nakaka-pressure po.”
Bagamat baguhan, nakaya naman ni Sean na makipagsabayan sa mga veteran stars na kasama niya sa movie. Malaki raw ang naitulong ng mga ito para lumabas na mahusay ang kanyang acting.
Pero aminado naman si Sean na marami pa siyang dapat i-improve bilang actor.
Among Sean’s screen idols ay sina John Lloyd Cruz at Leonardo DiCaprio.
“Iba ang tirada ni John Lloyd. Madadala kasa kwento dahil sa husay niya umarte. Si Leonardo DiCaprio, sobrang galing din kasi kahit na anong role kaya niya. Versatile siya. Napanood ko sa ‘Romeo and Juliet’ at doon ako humanga lalo sa kanya. Favorite movie ko ni John Llloyd ang ‘One More Chance’. Siyempre ang husay niya. Gusto na makatrabaho si John Lloyd in the future,” kwento ni Sean.
Kung sakali raw ma-meet niya in person si John, magre-request daw siya na mag-picture kasama ang kanyang idol.
Ngayong nasubukan mo na ang pag-aartista, gusto na niyang itong maging career.
“Ipinagdarasal ko po palagi kay God na sana more blessings pa, more projects. And kung hindi man ako palarin sa ganitong field, gusto ko rin matapos ng isang kurso.
“Gusto rin pong maging chef. Gusto ko magtayo ng sarili kong restaurant,” sabi ni Sean who is taking up a Culinary Arts course. (RICKY CALDERON)
-
Pagpapakawala ng tubig ng dams dapat kontrolin ng NDRRMC – Año
Ipinanukala ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na dapat ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na lamang ang kailangang magdesisyon sa pag-aapruba sa mga dam kung dapat ba ang mga itong magpakawala ng tubig sa panahon ng kalamidad. Ito ang siyang sinabi ng kalihim sa isang […]
-
A cure at the cost of humanity. “Love You as the World Ends” takes audiences to the heart of the apocalypse
Humanity is at the brink of destruction, and the cure might entail the ultimate cost. Love You as the World Ends follows a group of survivors fighting for their lives and their loved ones as the Golem virus turns the majority of the human race into rabid zombies. Watch the trailer […]
-
Matutupad na ang wish ng fans niya: MARIAN, tuloy na tuloy na sa naudlot na project nila ni GABBY
FINALLY, ay matutupad na rin ang wish ng mga fans ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera na mapanood na siya sa isang teleserye. Matatandaan na noong bago niya ipagbuntis ang bunso nila ni Dingdong Dantes na si Sixto, dapat ay gagawin nila ni Gabby Concepcion ang “First Yaya,” pero hindi natuloy dahil nang […]