• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SHARON, ‘di lang si Direk DARRYL ang pinasalamatan pati na ang staff at crew ng ‘Revirginized’

ILANG linggo na lang at mapapanood na sa Vivamax ang Revirginized na pinagbibidahan ni Megastar Sharon Cuneta na mula sa malikot na panulat at direksyon ni Darryl Yap.

 

 

Ni-repost ni Sharon sa kanyang Instagram ang pinost na photo ng kanyang leading man na si Marco Gumabao na may caption ng mahabang mensahe ng mga papuri sa kontrobersyal na direktor.

 

 

Ayon kay Mega, “ang mga pelikula ni Direk Daryll Yap ay laging sa unang tingin akala mo puro kalokohan at wala lang kuwenta. Dun mali ang mga nag-iisip ng ganon.   “Dahil and tatak ni Direk Da ay laging kalokohan ang simula, biglang sa dulo maaantig pala ang puso mo, may mapupulot kang aral.

 

 

“Isa na si Direk Da sa pinakanirerespeto kong direktor sa Industriya. Bata pa, magaling, original, bago. At alam nyo bang may nagbulong sa akin na itago na lang natin sa initials na “lablab” (hahahaha! Oo pati ako nagtataka bakit di siya kasali sa trailer! Pero duda ko kasi iba rin ang role nya dito at tinago muna ni Direk. 1M times ko pa gusto makatrabaho lablab ko pati si Direk!) – na ang I.Q. ni Direk ay nasa GENIUS levels? (Konti na lang di pa ako umabot Direk! Hahahaha!).”

 

 

Paniwala pa ng premyadong aktres, “Kaya alam niya ang ginagawa niya. Buong-buo ang tiwala ko kay Direk sa shooting namin. Di lang dahil laging “boss” ang tingin ko sa direktor ko kahit mas bata sakin o baguhan lang. pag umoo ako sa isang project, given na yun. Siya ang autoridad. Puede lang ako magsuggest o maglambing bilang artista pero wala akong karapatan magdemand.   “Ganyan dapat ang pagtrato sa Direktor at SA LAHAT ng kasama sa paggawa sa pelikula mula direk ng cinematography, cameramen, boom men, sound, art dept., prod. design, lahaaat hanggang talents/extras/co-stars, at utility.

 

 

“Lahat kasi tumutulong na gawan ka ng magandang pelikula. Dapat lang pakisamahan at respetuhin din sila. Bata pa ako ganon na ako.

 

 

“Kaya nagpapasalamat ako sa lahat ng staff at crew na bumuo ng “Revirginized.” Galing sa kaila-ilaliman ng puso ko. Napamahal talaga kayong lahat sa akin, at ang dasal ko ay mabigyan pa tayo ng Diyos ng madaming projects together bago ako mag-retire na ng husto.

 

 

“Kahit atatampo ako lagi sa Viva mahal ko si Direk Da at lahat ng nasa “Revirginized!” Mahalaga kayo sa puso ko. Di ko kayo makakalimutan hanggang sa huling hininga ko dahil minahal at inalagaan niyio ako!

 

 

“Si Carmela ay nakatatoo na sa puso ko at abot-langit ang pasasalamat ko na nakilala ko sya at naportray ng sa tingin ko naman ay maipagmamalaki niya.”

 

 

At dahil sa naturang pelikula na pagbabalik niya sa Viva Films, inamin ni Sharon na nagkaroon siya ng tatlong tunay na kaibigan.

 

 

Caption niya, “Marco & me. “Revirginized” streaming August 6 on Vivamax! This movie gave me three new friends I now truly love and value: Direk Daryll, @therealrosannaroces and my Pawi, @gumabaomarco , all of whom now mean so much to me. Thank you, Direk! “Most of all, again, thank you for my CARMELA!!! I love her truly! @therealrosannaroces @vincentimentsofficial #pawiandpawi.”

 

 

Marami na ngang excited na mapanood ang Revirginized simula sa Vivamax at mapapanood din sa Amerika sa pamamagitan ng TFC at iwanttv. Maghihintay din ng abiso ang iba pa nating kababayan sa iba’t-ibang panig ng mundo kung paano nila mapapanood ang pinag-uusapang pelikula ni Sharon dahil ayaw nilang magpaiwan.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • LTFRB hinamon ang grupo ng PUJs drivers na maghain ng formal na petisyon

    HINAMON ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFR) na maghain ng pormal na petisyon ang hanay ng public utility jeepneys para sa hihiningi nilang P2 na fare hike.       Ayon sa LTFRB ang grupo ng PUJs ay nagpadala lamang ng sulat at hindi formal na petisyon kung saan sila ay naghihingi ng […]

  • Noontime Princess ng TV5, aarangkada na: MILES, ‘di apektado sa ‘joke’ ni JOEY dahil bawal ang pikon sa Dabarkads

    HINDI pa rin makapaniwala ang Noontime Princess ng TV5 na si Miles Ocampo kaya naluha-luha siya nang ipakilala bilang bida ng teleseryeng ‘Padyak Princess’, na mapapanood na simula ngayong Lunes, June 10.       Say pa ng award-winning actress, “Naiyak po talaga ako nung i-present sa akin. Sabi ko po kina direk Mike (Tuviera […]

  • Panahon na para rebyuhin ng Kongreso ang oil deregulation law- Malakanyang

    PARA sa Malakanyang, panahon na para rebyuhin ng Kongreso ang oil deregulation law.     Kasunod ito ng patuloy na pagtaas sa presyo ng langis at global supplies na tinamaan ng nagpapatuloy na labanan sa pagitan ng Russia at Ukraine.     Sa isang panayam, sinabi ni Acting Cabinet Secretary Melvin Matibag na nakatakdang talakayin […]