• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SHARON, ‘di na naman nakapagpigil at tinawag na ‘engot’ ang basher; ipinagmalaki na may ‘X-Factor’

HINDI na naman napigilan ni Megastar Sharon Cuneta na patulan ang tila panglalait ng isang basher na nag-comment sa kanyang picture post sa Instagram na kuha nasa taping ng Your Face Sounds Familiar.

 

 

Caption ni Mega, “Girl in love and so loved! And not cutting her hair short. Repost from @gens_khaycee78. My barbie super cute.”

 

 

Nag-react nga si @nak_namara, “Good thing noon ka nag-artista. Kung ngayon ka sumabay kina Bea, Liza, Anne Curtis baka di ka napansin.  Kung kamukha mo sana mommy mo, pede ka sumabay kaso daddy mo ang kamukha mo, e.”

 

 

Agad naman siyang ipinagtanggol ng followers niya sa IG at sey ni @netski027, “Si Bea at Anne ang tatay foreigner. Si Sharon pure pilipino ang magulang. But ang ganda nya di ba? Kaya n’ya makipag sabayan kahit kanino. Golden girl na siya pero tingnan mo nman maganda pa din. Ang nag-iisang Megastar lahat ng pelikula blockbuster at lahat ng in-endorse nya patok lahat.”

 

 

Reaksyon naman ni @dhonskie88 na inis na inis sa pambabastos kay Sharon, @nak_namara, pag bastos ka talaga, bastos kang tao, mal edukado lang ang peg mo. Wala cguro nag mamahal sayo kasi ang napaka -ungkot ng buhay mo naninira ka ng Matinong tao at ubod ng bait at pag mamahal sa kapwa. Nag iisip nga ako if tao kaba talaga???

 

 

“C Ate Sharon @reallysharoncuneta pa ang sasabihan mo ng di maganda ehh morethan 40 years na namumukadkad sa larangan ng pinilakang tabing halos lahat ng kasabay nya xa lng namumukod tanging sikat at visible pa until now kahit mga new generations actress ni re-respeto c Ate Sharon tapos ikaw na wla ka man lng ambag sa mundo maninira at mag sabi ng masasakit na salita? Ang tawag cguro sayo mag kano ba bayad sayo para manira kay Mega?? Wla ka na bang makain??”

 

 

Hindi nga nakapagpigil si Sharon kaya sinagot niya ang bastos na basher at sa huli’y natawag pa niyang ‘Engot!’.

 

 

“@nak_namara, Eh di ka nag-iisip. Sa dami na ng dumaan bago pa dumating sina Bea at lahat sila, e, maganda na ako!

 

 

“Marunong akong kumanta, sumayaw, umarte. Nagpayaman ng producers dahil lahat ng ginawa ko sobra ang kinita. At nandito pa rin ako!” tila naiiritang post ni Sharon.

 

 

Dagda pa ng mommy ni KC Concepcion, “Alam mo ang ganda, sampusampera. Ang di maipaliwanag ng at sa tao ay ‘yung tinatawag na X-Factor. Puwede ba ako sumikat ng di milyon ang sumuporta at nagmahal sakin?”

 

 

Dumagsa rin ang iba pang netizens na nagtanggol kay Sharon at may nadismaya rin na dapat daw ay hindi niya pinatulan ang basher.

 

 

Sabi nila:

 

“Point is, mali yung basher. Sa status ni Sharon, dapat Di na siya binabastos ng ganyan. But Sharon shouldn’t have said anything back too. I agree with Sharon though, dami nang dumating before and after Bea etc but she’s still the Megastar. That’s all.”

 

“Ok na rin, she set the record straight. I agree with her. Ang importante hatak. She had it kahit walang love team. Siya Lang nagdadala sa movies nya.”

 

“Yep. I like Bea, Anna at Liza pero kahit na pagsabayin pa ang mga accomplishments nilang tatlo, ang LAYO paren kay Sharon! Not even close sorry.”

 

“si Sharon , nagkapangalan yan dahil siya ang IT girl nung panahon niya. Mayaman, may talent, minahal ng masa. Hindi pa nauuso ang retokada nung panahon ni Sharon, talent ang puhunan.

 

“Agree with Shawie. Yan ang kulang sa first child niya — x- factor.

 

“Hindi rin, iba pa din ang kalibre ni sharon nung kabataan niya compared anne,bea and liza. tisay lang sila kaya sumikat but nothing special about them.”

 

“Si Sharon mayaman, may breeding. Kolehiyala ang mga roles, may talent din sa pagkanta. May hosting skills din kaya napaka in demand niya mapa mayaman or mahirap, fans niya.”

 

“Trulalu naman ang nagmamarka lang naman sa showbiz eh yung mga merong x-factor! Yung mga binanggit ni basher puro magaganda w x-factor same with MEGASTAR. Yown lang.”

 

“sa mga binanggit nung basher parang si Anne lang yung pwede icompare kay Sharon sa pagiging multimedia star at endorsements left and right though I think mas magaling umarte naman si Sharon kay AC. Si Bea hindi ko pa masabi yung bankable ba talaga ang movies niya without John Lloyd, si Liza marami pang bigas na kakainin.”

 

“tama si Sharon, haha supalpal yung basher. At any given time, maraming magagandang nag-artista, pero hindi sumikat ng kasing-sikat ni Sharon. Talent and x-factor indeed. BRAVO SHARON.

”Sina Bea, Liza, at Anne pagawin mo ng solo variety show, tignan mo kung tumagal. Yung kay Sarah nga di tumagal, kasi kulang sa class. Si Anne pang maramihan lang na host, di pwedeng main kasi kulang sa wit unlike Vice Ganda.”

 

“tama si sharon. kahit anak mayaman siya, nakakagulat yung appeal niya sa masa. at that time, may space for someone who can succeed sila vilma and nora in terms of talent. eh, magaling si sharon. tama lang na engot niya si basher.”

 

“Actually, okay lang din sinagot nya ung basher para at least may natutunan din si basher. Yes, mayabang ung sagot pero may point naman eh. Yung beauty ni Shawie nung kabataan nya is incomparable and hindi naman sya half-bred, walang retoke nung time na yun and she’s smart at a young age. Yung ibang sikat ngayon pag ininterview ni hindi makabuo ng comprehensive sentence.”

 

“I think mas nainis siya dun sa sinabi ng basher na hindi siya maganda kasi kamukha niya ang daddy niya. Parang ang insinuation kasi is pangit ang daddy niya. Sharon’s known to be a daddy’s girl kaya understandable na talagang aalma siya.”

 

“Megastar is megastar, mga basher kasi di naman nila kapahunan, ako nga 20’s lang ako pero sobrang pinapanood ko mga classic movie nya na mapapahanga ka na lang talaga sa pagarte at ganda ng boses niya kaya pala siya nagig Megastar.”

 

“After Sharon Cuneta, wala na talagang nakasunod sa yapak nya. Si Judy Anne, almost, but hanggang doon lang. I cannot say the same for Anne, Bea and Liza cz same lang sila. Walang social media nuon sa time ni Sharon but halos lahat ng sine taas ng pila at palaging puno if it’s Sharon Cuneta.

“But I didn’t know ganito pala attitude nya. Sharon is right but she should not stoop down sa level ng bashers at magyabang ng milyones nya.” (ROHN ROMULO)

Other News
  • Nanliligaw pa rin pero malapit na raw sagutin DERRICK, inaming si ELLE na ang gusto niyang pakasalan

    IPINAGDIINAN ni Derrick Monasterio na “nanliligaw” pa rin daw ang status niya kay Elle Villanueva, sa kabila ng mukhang sila na naman.     Pero tingin naman daw niya, malapit na siyang sagutin ni Elle. Ang nagulat kami, being known as may pagka-playboy, kay Elle ay gusto na raw niyang ito na ang pakakasalan niya. […]

  • Nahahawig sa pinagdaanan ni Ysabel: MIGUEL, ‘di makalilimutan ang death scene ni CARLA sa ‘Voltes V: Legacy’

    MAGTATAPOS na ang ‘Voltes V: Legacy’ sa September 8.   Apat na buwang umere sa GMA ang naturang live action sci-fi series na naging consistent top-rater gabi-gabi, Lunes hanggang Biyernes.   Bida rito ang limang bumubuo sa Voltes team; sina Miguel Tanfelix bilang Steve Armstrong, Ysabel Ortega bilang Jamie Robinson, Radson Flores bilang Mark Gordon, […]

  • Alert level 3 itinaas ng DFA sa sitwasyon sa Lebanon

    DAHIL sa patuloy na kuguluhan sa pagitan ng Israel at mga katabing bansa, itinaas na sa Alert level 3 ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang sitwasyon sa Lebanon.     Nangangahulugan ito, ayon kay DFA Undersecretary Eduardo de Vega, na maaari na ang voluntary repatriation sa mga Pinoy para maiwasan na maipit sa bakbakan […]