• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SHARON, may bonggang birthday message kay Rep. VILMA; role sa ‘FPJAP’ posibleng may kaugnayan kina JULIA at ROWELL

BILANG certified Vilmanian, hindi talaga puwedeng hindi babatiin ni Megastar Sharon Cuneta ang nag-iisang Star For All Seasons at Lipa City Representative na si Vilma Santos-Recto na nag-celebrate ng 68th birthday noong November 3.

 

 

Pinost ni Sharon sa kanyang Instagram ang birthday message kalakip ng old photo ni Ate Vi, “Recently I saw on YouTube that an athlete who scored a homerun in his 40s was asked how it felt to make his first homerun at his age. His answer: “How old would you think you were if you didn’t know your age?” (I might have paraphrased this.) If me, I’d think 19 or oldest, 23. My Ate Vi would probably say the same.

 

 

“Happy, happy birthday to you, dearest Ate Vi! You are ageless to us your Vilmanians. I love you!!! May God bless you always. @rosavilmasantosrecto

 

 

Ni-repost din ni Mega ang pagbati ng netizen na si @imee_palmares.

 

“To someone whose movies always require a box of kleenex, happy 68th birthday! Don’t think of it as 68. Think of it as 33, with 35 years of experience!

 

“Siempre, I love you, ate Vi! #vilmasantos.”

 

 

Isa nga sa unang nag-react sa post ay ang anak ni Ate Vi na si Luis Manzano sa pamamagitan ng isang red heart emoji.

 

 

Samantala, inilabas na rin ang teaser post ng FPJ’s Ang Probinsyano sa nakalagay na, ‘Sa pagpapatuloy ng ika-6 na anibersaryo ng #FPJAngProbinsyano siguradong MEGAganda pa ang gabi niyo. Abangan.’

 

 

May lumabas din na, “Kalaban or kakampi? Malapit na!”

 

Sa November 9 naman ang media con para kay Sharon na kung saan malalaman na kung ano talaga ang role niya at kung totoo na siya ang gaganap na tunay na ina ni Julia Montes at kung may kaugnayan siya sa dating ka-loveteam at director sa mga concerts na si Rowell Santiago na gumaganap namang presidente sa action-serye ni Coco Martin.

 

 

Iba-iba naman ang reaction ng netizens:

 

“Hindi ako every night nakakanood nito but seems walang scenes sina coco laging si president lang. Anyare classmates?”

 

 

“Wala namang kwenta at ginagawa yung grupo ni Cardo dun kundi magtago lang. Mas interesting pa nga storyline ng mga grupo nina Richard Gutierrez Geoff Eigenmann at John Estrada. Umaandar nga yung show ngayon kahit wala yung bidang si Cardo.”

 

 

“Ang totoong asawa ni Mariano!”

 

 

“First love ni president magkikita sila sa Ilocos.”

 

 

“Baka nanay sya ni Cardo.”

 

 

“Bagong leading lady? Julia kabahan ka na.”

 

 

“Reunited with Rowell Santiago aka President.”

 

 

“In real life ay lagi silang magkatrabaho dahil si Rowell ang director ng mga concerts ni Sharon.”

 

 

“Sana hindi pabebe ang role ni Mega. Mas bet kung kontrabida sya.”

 

 

“Parang gustong gayahin ni shawie sina Gloria Romero at Anita Linda! Kayod hanggang otsenta! Lol!”

 

 

“Sharon is Coco’s ultimate idol! Good luck, Mega!”

(ROHN ROMULO)

Other News
  • VILMA at DINGDONG, pangungunahan ang maningning na Gabi ng Parangal ng ‘4th EDDYS’ sa April 4

    PANGUNGUNAHAN nina Batangas 6th District Representative at Star for All Seasons Vilma Santos-Recto at AKTOR Chairman of the Board Dingdong Dantes ang maningning na gabi ng parangal ng 4th The EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) sa bago nitong streaming date sa April 4, Easter Sunday, 8 p.m., sa FDCP […]

  • PRRD, pinasinayaan ang mga gusali ng paaralan na may 140 silid-aralan sa Bulacan

    LUNGSOD NG MALOLOS– Pinasinayaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pitong gusaling pampaaralan na may 140 silid-aralan sa dalawang bayan sa Bulacan ngayong araw.     Personal na dinaluhan ng Pangulo ang inagurasyon ng dalawang yunit ng apat na palapag na may 24 silid-aralan at isang yunit ng apat na palapag na may 12 silid-aralan […]

  • MAGTIPID NG TUBIG, EL NIÑO KAKABIG – PAGASA

    NANAWAGAN ang isang hydrologist sa publiko, partikular sa mga residente ng Metro Manila, na magtipid ng tubig dahil na rin sa patuloy na pagbaba ng water level sa ilang mga dam.     Ayon kay hydrologist Sonia Serrano, sa kanilang pagbabantay sa Angat Dam na nagsusuplay sa 98 porsyento ng potable water sa Metro Manila […]