Sharon, pumayag na i-tour ang condo units sa vlog ng comedian friends
- Published on November 27, 2020
- by @peoplesbalita
PUMAYAG si Megastar Sharon Cuneta na i-tour ang kanyang condominium unit for the first time through a vlog ng kanyang comedian friends na sina MC Muah Calaquian, Lassy Marquez, and Chad Kinis or her Beks Batallion.
Ipinakita ni Sharon sa tatlo ang dalawa niyang units that occupied the whole floor of the condominium. Una ang tinawag niyang “girly” condo, na siya niyang ginagamit na studio for her own YouTube channel, at iyon din ang storage space niya dahil siya ang may pinakamaraming gamit sa kanilang mag-anak.
Iyong isa pang unit in the floor ay where the family, she, Sen. Kiko Pangilinan and their children Kakie, Miel and Miguel, lives.
“When the elevator door opens it’s our unit na,” sabi ni Sharon. “Yung main door ay pink which is my favorite shade of light pink.”
Kapansin-pansin na puno na ng Christmas decorations ang big living room na, “maaliwalas, relaxing and mabango, mahilig kasi ako sa scented candles, room sprays, reed diffusers, and fresh and dried flowers.”
May design tips din si Sharon para sa tulad niyang condo dwellers tungkol sa different kinds of lighting.
“Wala akong ikinabit na chandeliers… kasi ayokong bumili ng chandelier na baka hindi ko magamit doon sa bahay na ipinagagawa namin ngayon, after waiting seven long years.
“So, if you have a standing light, and they’re all moveable kapag umuupa ka lang. So, kapag lumipat ko, madadala mo.”
Meanwhile, excited na si Sharon and her family na matapos na ang bagong bahay na ipinagagawa nila sa Laguna.
*****
READY na ngayon si Kapuso Drama King Dennis Trillo sa nalalapit nilang lock-in taping ng upcoming GMA series na Legal Wives na gaganap siya bilang si Ishmael, isang Muslim mula sa lahi ng mga Maranaw na iibig at mapapangasawa ang tatlong babae, sina Amirah (Alice Dixson), Diane (Andrea Torres) at Farrah (Bianca Umali).
“Parang nabigla ako nu’ng umpisa pero nang nabasa ko na ang script, ang ganda ng ginawa nila rito. Mai-in love ka sa bawat character, mai-in love ka sa kanilang kultura,” pahayag ni Dennis.
“Ang character ko, naiiba ang kanyang paninindigan, siya iyong tao na iidolohin mo dahil iba siyang magmahal, bawa’t tao sa paligid niya kaya niyang pakitunguhan. Kaya siguro nabigyan siya ng pagkakataon na magkaroon ng tatlong iibigin dito sa kuwento dahil mapagmahal siyang tao.” (NORA V. CALDERON)
-
‘Red alert’ sa suplay ng kuryente asahan – DOE
Inaasahan na magkakaroon ng “red alert” o manipis na supply ng kuryente sa susunod na linggo. Ito ang sinabi ni Director Mario Marasigan, director ng Electric Power Industry Management Bureau ng Department of Energy (DOE) sa pagdinig ng Senate Committee on Energy ni Sen. Win Gatchalian. Paliwanag ni Marasigan, inaasahan ang […]
-
2 bagong pumping stations sa Malabon, pinasinayaan
PINASINAYAAN ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon sa pangunguna ni Mayor Jeannie Sandoval at dating Congressman Ricky Sandoval ang dalawang bagong modernong pumping station bilang bahagi ng inisyatiba na ‘Ligtas sa Baha’ para sa kaligtasan ng mga Malabueño sa panahon ng bagyo at high tide. Ang dalawang pasilidad ay ang Sto. Rosario II Pumping […]
-
NATUKOY NA UK VARIANT, GALING SA MIDDLE EAST
KINUMPIRMA ng Department of Health (DOH) na galing ng Middle East ang 13 returning Overseas Filipino na kabilang sa 18 bagong natukoy na UK variant ng SARS-CoV-2. Sa datos na ibinigay ng DOH, mula United Arab Emirates (UAE), Bahrain, at Saudi Arabia ang nasabing mga ROFs. Ang 13 ROFs ay dumating sa bansa […]