SIMBAHAN BILANG NEUTRAL AT PARTISAN
- Published on March 8, 2022
- by @peoplesbalita
ANG simbahan bilang non-partisan ay hindi tulad ng pagiging neutral ayon sa opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) matapos magpahayag ng hindi pag-apruba para sa mga kandidato sa pulitika na “magnanakaw” at “sinungaling.”
“Is the Church being neutral by being non-partisan? I guess people have to understand that being non-partisan is not the same as being neutral,” sinabi ni Fr. Jerome Secillano, CBCP’s public affairs committee executive secretary, sa Facebook post noong Huwebes
Sinabi ng pari na ang simbahan ay naging matapang sa pagpapahayag ng kanilang paninindigan laban sa kasamaan, kawalang-katarungan at kasinungalingan.
“She is against evil. She is not neutral,” sabi ng pari.
Ayon sa opisyal ng CBCP, ang pagiging non-partisan ay nangangahulugan na ang katapatan ng simbahan ay maaring sa kandidato o anumang political party pero para sa mga tao.
Sinabi pa nito na “marami ang nagpapagulo sa pagkakaibang ito at ginagamit ang simbahan para isulong ang kanilang agenda, para suportahan ng institusyon ang kanilang kandidato.”
“It is hypocritical to say that their candidate is the only best hope for the people. I say, let the people decide who to them is the best after being guided, formed and informed through a series of discernment,” wika ni Secillano.
Dagdag pa ng pari na ang katapatan ng mga klero ng Simbahan ay “nasa institusyong tumatawag sa atin sa isang buhay ng paglilingkod.”
“We should never allow ourselves to be used as tools for partisan politics. Our personal choice doesn’t make us political tools, especially, if we keep them privately,” dagdag ng pari.
“To be neither neutral nor partisan, my principle is clear; no to incompetent, unjust and self-serving politicians. No to thieves and liars too!” giit niya.
Para kay Secillano, ang simbahan ay “dapat magpatuloy sa pagbuo ng mga konsensya para sa isang mature na pampulitikang pagsasanay ngunit ipaubaya ang pag-endorso sa mga tapat na Lay.” (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
DILG Asec, inanunsyo ang pagtatayo ng Drug Abuse Treatment and Rehabilitation Center sa Bulacan
LUNGSOD NG MALOLOS – Inanunsyo ni Department of the Interior and Local Government Assistant Secretary for Public Safety Florencio M. Bernabe, Jr. sa ginanap na obserbasyon ng Buwan ng Pag-iwas sa Sunog kaalinsabay ng Lingguhang Pagtataas ng Watawat sa Bulacan Capitol Gymnasium dito noong Lunes ang pagtatayo ng Drug Abuse Treatment and Rehabilitation Center (DATRC) […]
-
Pangamba ng publiko, pinawi ni PBBM
PINAWI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pangamba ng publiko hinggil sa monkeypox virus matapos mapaulat noong nakaraang linggo na may naitala ng kaso sa Pilipinas. Ayon kay Pangulong Marcos sa isinagawang Q And A matapos magtalumpati sa Pinas Lakas event” sa Pasig Sports Complex para tingnan kung maganda at mahusay ang isinasagawang […]
-
Zavier Lucero, UP Fighting Maroons amoy UAAP titulo
Schedule sa Miyerkoles (Smart Araneta Coliseum) 5:30 pm – Awarding Ceremony 6 pm – AdMU vs UP Namuro ang defending champion UP Fighting Maroons ang pangalawang sunod na titulo ngayong taon nang bidahan ni Zavier Lucero upang pabagsakin ang Ateneo Blue Eagles, 72-66, sa 85th University Athletic Association of the Philippines men’s basketball […]