Simbahang Katolika, bukas sa ibang paniniwala at pananampalataya
- Published on January 21, 2023
- by @peoplesbalita
TINIYAK ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula na bukas ang simbahan sa lahat maging sa ibang paniniwala at pananampalataya.
Ito ang pahayag ng cardinal sa pagdiriwang ng Week of Prayer for Christian Unity ngayong taon na nakatuon sa temang ‘Do Good. Seek Justice.’
Sinabi ni Cardinal Advincula na patuloy ang pakikipag-ugnayan ng simbahang katolika sa bawat religious group sa layuning pagbuklurin ang pamayanan bilang sambayanan ng Diyos.
“The Church is inclusive. The Church is ecumenical. The Church is in dialogue with other faith traditions. The Church is in dialogue with the whole world. Our goal is Christian unity so that the world may believe,” pahayag ni Cardinal Advincula sa Radio Veritas.
Inihayag ng cardinal na hindi kinalulugdan ng Panginoon ang anumang gawaing simbahan kung patuloy ang pagtatangkilik sa karahasan at kawalang katarungan sa lipunan lalo na sa mga dukha at naisasantabing sektor.
Iginiit ni Cardinal Advincula na dapat isabuhay ng bawat isa ang mensahe ni Propeta Isaiah na makakamit ang katarungan sa pamamagitan ng pagsasantabi sa karahasan, kayamanan at kapangyarihan sa halip ay pangalagaan ang mahihinang sektor ng pamayanan.
“Ours is an engagement and dialogue that is not limited to beautiful words alone. Ours is an engagement that dares to immerse itself in the stark reality of our world, a world that is wounded by injustice, sin and violence. We proclaim Christ crucified. We likewise proclaim the victory of the Risen Christ,” ani Cardinal Advincula.
Binigyang diin ng arsobispo na sa pagsilang ni Hesus sanlibutan ay nabigyang pag-asa ang mga naisasantabi gayundin ang mga dukha sapagkat niyakap ito ni Hesus nang buong pagmamahal.
Napapanahon din ang pagdiriwang ng Christian unity lalo’t marami sa mga kristiyano sa buong mundo ang nakararanas ng pang-uusig at diskriminasyon dahil sa pananampalataya na ayon sa datos ng Open Doors ay nasa 360-milyon.
Unang hiniling ni Pope Francis sa mananampalataya na ipanalangin ang bawat kristiyano na sa tulong at gabay ng Panginoon ay manahan ang Banal na Espiritu na magbibigay liwanag sa kaisipan ng tao.
1948 kasabay ng pagtatag ng World Council of Churches ay sinimulang ipagdiwang sa buong mundo ang walong araw na Week of Prayer for Christian Unity. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)
-
Mga apektadong negosyo, pinagsusumite ng report ng DOLE
Hinikayat ng Labor and Employment (DOLE) ang mga establisimyento na apektado ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic na magsumite ng report sa “DOLE Establishment Report System.” “Be informed that effective July 08, 2020, establishments are advised to access https://reports.dole.gov.ph and submit reports online,” lahad ng DOLE CALABARZON sa Facebook post. Kasama sa report ang […]
-
Pagdanganan asam ang maraming Magic 10 finish sa LPGA Tour
PUPUNTIRYA si Bianca Isabel Pagdanganan nang maraming pagtapos sa Top 10 sa mayamang nakabase sa Estados Unidos na 73rd Ladies Professional Golf Association Tour 2022. “I’ve had two Top 10 finishes. Knowing that I can do that, I definitely want to hope for more this year. I’m working to finish more in that […]
-
Reinforcement Teams, tumutulong na sa typhoon-hit Bicol- OCD
NAGPADALA na ang Office of Civil Defense (OCD) ng mas maraming reinforcement teams para tumulong sa rescue operations sa mga lugar na apektado ng Severe Tropical Storm ‘Kristine’. Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni OCD spokesperson Director Edgar Posadas na nanatiling prayoridad ang nagpapatuloy na rescue efforts sa Bicol. “Ang challenge pa […]