• January 9, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SINAS, MOST TRUSTED NI PDU30 – Sec. ROQUE

SI National Capital Region Police Office (NCRPO) director Police Major Gen. Debold Sinas ang itinuturing na ‘most trusted’ ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kaya’t itinalaga bilang bagong hepe ng Philippine National Police (PNP).

 

Ito ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque ang kalamangan ni Sinas sa ibang kandidato sa puwesto.

 

“Let’s just say that the appointment to the post is a matter of trust and confidence. And he is, for the moment, the most trusted by the President. So let’s leave it at that,”ayon kay Sec. Roque.

 

Nauna rito itinalaga na ni Pangulong Duterte si Sinas bilang bagong PNP Chief.

 

Si Sinas ay naging kontrobersiyal matapos taguriang mañanita cop.

 

Nauna rito, inanunsyo ni Sec. Roque, na nagsimula sa kanyang bagong posisyon si Sinas kahapon, November 10, kasabay ng pagbaba sa puwesto ni outgoing PNP Chief, Gen. Camilo Cascolan na nagretiro na.

 

Aniya, kung ang seniority ang susundin o ang rule of succession, si PNP deputy chief for administration Lt. Gen. Guillermo Eleazar ang number two man ng PNP.

 

Samantala, napaulat na posibleng ang magkaklase sa Philippine Military Academy (PMA) Hinirang Class of 1987 na sina Police Lt. General Guillermo Eleazar, na kasalukuyang commander ng Joint Task Force Covid Shield, at National Capital Region Police Offcie (NCRPO) Police Major General Debold Sinas ang maaring mapagpilian bilang susunod na PNP chief.

 

Si Eleazar ay mahigit isang taon pa sa serbisyo at nakatakdang magretiro sa Nobyembre 2021 habang si Sinas naman ay magreretiro sa Mayo 2021.

 

Samantala, hindi titigil ang pamahalaan sa laban nito sa iligal na droga at isulong pa ang mga tagumpay na una nang nakamit ng Philippine National Police (PNP) sa larangan ng kaayusan at kapayapan.

 

Nais din aniya ng Chief Executive na manatili at isulong pa ang pagkakaroon ng peace and order sa bansa, na napatunayan na aniya sa pinakahuling survey ng Gallup, kung saan lumalabas na ang Pilipinas ay pang-12 sa mga pinakaligtas na bansa mula sa 144 countries.

 

Sa kabilang dako, nakiusap naman si Sec. Roque sa publiko na bigyan ng pagkakataon si Sinas na gampanan ang kanyang bagong tungkulin sa kabila ng kontrobersiya nitong kinasangkutan dahil sa Mañanita, ayon sa kalihim, maiging bigyan ng pagkakataon si Sinas. (DARIS JOSE)

Other News
  • RICH, binalita na nakagawa ng TVC sa Australia kasama ang kanyang mag-ama

    MAY pagkakataon daw na natulala ang Kapuso actress na si Faith da Silva tuwing kaeksena niya si Albert Martinez sa teleserye na Las Hermanas.     Ilang beses daw siyang nate-take two dahil sobrang starstruck siya sa veteran actor.     “Yung experience na naalala ko nagba-buckle ako, pero it’s a learning experience for me […]

  • Mga NBA players na COVID-19 positive, umaasang makakalaro pa rin sa season restart

    Kampante ang mga karagdagang NBA players na dinapuan kamakailan ng coronavirus na makakapaglaro sila sa oras na magpatuloy nang muli ang 2019-20 season sa susunod na buwan.   Ayon kay Sacramento Kings forward Jabari Parker, maganda raw ang usad ng kanyang recovery matapos sumailalim sa self-isolation sa Chicago.   “Several days ago I tested positive […]

  • Beli Bell, Bishop Blue pinagtalunan sa 2020 PHILRACOM

    NAGDISKUSYON ang dalawang panatiko ng karera para sa nakatakda sa Marso 15 na 2020 Philippine Racing Commission (PHILRACOM) Three-Year-Old Maiden Stakes Race sa San Lazaro Leisure Park, Caromona, Cavite.   Halos mag-umbagan na sina Crisostomo Arguelles at Eugene Quiltan na parehong unang softdrinks sa isang tindahan na malapit sa dating karerahan sa Maynila.   Para […]