Sinibak na sekyu, namaril at nang hostage, 1 sugatan
- Published on March 3, 2020
- by @peoplesbalita
SUGATAN ang nabaril na OIC ng security guard ng Virra Mall San Juan, Greenhills Shopping Center habang nasa 30 katao naman ang hawak na hostage ng suspek na nasa loob ng Admin office.
Nakilala ang suspek na si S/G Archie Paray na armado ng pistoling baril habang sugatan naman si OIC Ronald Velita na kaagad na isinugod sa Cardinal Santos Medical Center.
Sa inilabas na pahayag, sinabi ng pamunuan ng Greenhills Center na dinala na agad ang biktima sa ospital para mabigyan ng lunas.
Ang suspek ay isang dating security guard ng Safeguard Armor Security Corporation (SASCOR).
Sa ulat, pasado alas 11:20 ng umaga, kahapon nang sumugod sa Admin Building ang suspek kung saan nabaril nito ang biktima.
Kaagad na isinailalim sa lockdown ang nasabing mall at dakong alas dose ay pinalabas ng mga pulis at marshall ang mga mall goers at mga tenant nito.
Kaagad namang dumating si NCRPO Director PMajor General Debold Sinas, EPD Director, PBGen. Johnson Almazan sa nasabing mall at San Juan City Mayor Francis Zamora.
Pasado alas dos lumabas sa nasabing mall si Zamora at nagbigay ng pahayag hinggil sa nasabing hostage-taking kung saan ay nag-demand ang suspek na makausap nito ang kanyang dating mga kasamahan na sekyu.
Inilarawan ni Zamora na mapanganib ang suspek dahil sa armado ito ng pistola at katunayan ay nakabaril na ito.
Nag-AWOL daw ang suspek, nagdesisyong bumalik at nag-demand.
Sumisigaw din umano ang suspek na may hawak siyang granada pero hindi ito kumpirmado habang nasa loob sila ng Admin Office. Ayon kay Zamora ang 20 hanggang 30 na bilang ay base sa laki ng opisina ng Admin.
Pahayag ng Mayor ng San Juan, “Our priority right now is to ensure the safety of the employees, and of the public.”
“Safe naman sila. Mayroon tayong konting communication pero ‘yun lang puwede ko sabihin,” sambit pa nito
Dagdag pa nito , “Masama ang kanyang loob sapagkat siya’y tinanggal bilang guwardiya. Una, hinihikayat niya ‘yung ibang guwardiya na sumama sa kanya ngunit walang sumama.”
Naglabas naman ng opisyal na pahayag ang pamunuan ng Greenhills Center Management tungkol sa naganap na hostage situation sa Virra Mall kung saan bihag ng isang dating security guard ang mga empleyadong nasa loob ng mall.
Sinabi ng pamunuan na nakikipagtulungan na sila sa mga awtoridad.
“We have confirmed reports of an ongoing incident in Greenhills, involving a hostage taking of some of our employees by a former SASCOR (Safeguard Armor Security Corporation) security guard. A fellow security guard was injured, but has already been brought to the hospital. Our main priority right now is to ensure the safety of the employees and of the public,” ayon sa naturang official statement ng pamunuan.
“The management is working closely and coordinating with the authorities,” dagdag pa nito.
“Please bear with us as we allow the authorities to handle the situation. We will share further updates as we get more information. For now, we hope for everyone’s cooperation to exercise caution in sharing unconfirmed information online. Thank you.”
Samantala, bago mag-alas otso ng gabi ay sumuko na ang hostage-taker na guwardya na nagngangalang Archie Paray matapos ang 10 oras na hostage drama.
Nagbigay ito ng panayam at inilahad ang mga reklamo sa security agency na humahawak sa kanya. Ilan sa mga ito ay ang labor issues gaya ng mga anomalya sa agency, mababang pasuweldo sa mahabang panahon at ang hindi patas na pagtrato sa mga manggagawa na nagtatrabaho bilang guwardya sa Greenhills na labis na ikina-sasama ng loob ng suspek.
-
Intel at crime prevention pinaigting sa Quezon City para sa 2025 elections
HIGIT pang pinaigting ng Quezon City Police District (QCPD) ang intelligence at crime prevention para matamo ang isang maayos at matahimik na halalan sa May 12 midterm election sa susunod na taon. Sa press conference sa QC Hall sinabi ni Police Capt. Febie Madrid, spokesperson ng QCPD na bukod sa pagdedeploy ng kapulisan […]
-
Sa muling pagsasama sa pelikulang ‘Un/Happy For You’: GERALD, full support sa balik-tambalan nina JOSHUA at JULIA
DAHIL sa mga naunang pangyayari sa kanyang lovelife ay hanggang maaari ayaw nang ibahagi sa publiko ni Sunshine Cruz ang tungkol sa kanyang buhay pag-ibig. Matatandaang naging kontrobersyal ang naging hiwalayan last 2022 ng magaling na aktres sa pulitiko na ngayong si Macky Mathay. “After the very public relationship I had with my […]
-
Ads December 5, 2022