• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sinopharm booster, walang side effects kay PDu30- Nograles

HINDI nakaranas ng kahit na anumang masamang epekto si Pagngulong Rodrigo Roa Duterte matapos na makatanggap ng kanyang Sinopharm booster shot laban sa COVID-19.

 

 

Ito’y sa kabila ng wala pang data ang makapagpapakita na ang Sinopharm ay “appropriate booster.”

 

 

“Wala naman pong masamang epekto kay President Duterte [ang Sinopharm] sa pagkakaalam namin,” ayon kay Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles.

 

 

Ang pahayag na ito ni Nograles ay tugon sa tanong sa kanya kung bakit Sinopharm ang ginamit na booster kay Pangulong Duterte kahit hindi pa naman inirerekomenda ng vaccine experts panel ng bansa ang Sinopharm bilang booster dahil sa kakulangan ng data kapwa mula sa ibang bansa at manufacturer ng Chinese vaccine.

 

 

“The vaccine given to the President, including his primary dose [of two-dose Sinopharm] is between him and his personal physician,” ayon kay Nograles.

 

 

Gayunpaman, hindi naman masabi ni Nograles ang timeline kung kailan ilalabas ng mga eksperto ang kanilang rekomendasyon kung ano ang nararapat na booster para sa Sinopharm na itinurok din sa publiko.

 

 

“Our experts panel are in touch with the Sinopharm manufacturers for the data so that the proper recommendation for its booster can be issued as soon as possible,” ayon kay Nograles.

 

 

Nauna rito, sinabi ni Nograles na nabigyan na ang Chief Executive ng booster shot laban sa COVID-19 at iyon nga aniya ay Sinopharm.

 

 

“Sa declaration niya kagabi sa Talk to the People, it appears na nakapag-booster na si Pangulo at Sinopharm ang nagamit,” ayon kay Nograles noong Enero 7. (Daris Jose)

Other News
  • Kapalaran ng Elite, itataas ni Racela

    UMANGAS lang ang Blackwater sa 44th Philippine Basketball Association Commissioner’s Cup 2019 na lumagak sa No. 3 pagkaraan ng 11-game eliminations sa 3-7 win-loss card, pumasok sa quarterfinals pero sinibak ng Rain or Shine 2-1.   Bago magbukas ang 45th PBA Philippine Cup sa Linggo, Marso 8, abala ang pabango sa trade pero walang nadaleng […]

  • Lockdown sa kanya-kanyang tahanan, hiling ng Malakanyang na ideklara ng “head of the family”

    HINILING ng Malakanyang sa bawat pamilya na magdeklara ng lockdown sa kanilang tahanan bago pa ang nakatakdang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila at ilang lugar sa bansa.   Ang National Capital Region (NCR) ay isasalalim sa ECQ mula Agosto 6 hanggang 20 para pigilan ang pagsirit ng kaso ng COVID-19 at mapigilan na […]

  • Pamahalaan, papasok na sa huli at ika-apat na yugto ng National Action Plan

    PAPASOK na ang pamahalaan sa ika- apat na phase ng National Action Plan kaugnay ng mga ginagawa nitong aksiyon laban sa COVID 19.   Sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, hanggang sa 1st quarter na lang ng 2021 ang phase 3 at pagkatapos nitoy papasok na ang phase 4 o ang huling phase na […]