• December 15, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sinorpresa ang lahat sa kanilang announcement: MIKAEL, nagkatotoo ang hula na magkaka-baby na sila ni MEGAN

NAGKATOTOO ang saju reading noon kay Running Man PH cast member Mikael Daez na magkaka-baby sila ng misis na si Megan Young.

 

 

Sinorpresa ng Daez couple ang lahat sa announcement nila sa social media noong Biyernes, December 6, na ipinagbubuntis na ni Megan ang kanilang anak.

 

 

Sa episode ng Running Man PH na ipinalabas noong Agosto, sinabi ni Park Seong-jun ang kapalaran ni Kap Mikael pagdating sa pagkakaroon ng anak.

 

Sabi ni Seong-jun in Korean, “Pagdating sa suwerte sa pagkakaroon ng baby, malakas ito next year and the year after that.”

 

Binalikan din ni Mikael ang fortune telling moment niya sa phenomenal reality game show at sabi niya sa Instagram post, “What a journey it has been. What a journey to come”

 

***

 

GALING na rin kay Pauline Mendoza na medyo naging pabaya siya sa kanyang career dahil sa kanyang personal na buhay.

 

Pero determinado ang Kapuso actress na ituloy ang sipag niyang ito hanggang sa pagpasok ng 2025.

 

“Focus na po tayo ngayon sa career. I admit na there was a point in my life na medyo naapektuhan ako. Ayoko na pong mangyari iyon kasi pati ang family ko naapektuhan. I want to show them na puwede pa rin nila ako mapagkatiwalaan,” pahayag ni Pauline sa media conference para sa official entry ng GMA Pictures sa 2024 Metro Manila Film Festival na ‘Green Bones’.

 

Noong nakaraang taon pa raw nakipag-break ang 25-year old Sparkle actress sa boyfriend nitong si Mayor Bryan Celeste ng Alaminos City, Pangasinan.

 

Nagsimula ang relasyon nila noong 2020. Sa kanyang Tiktok account kinumpirma ni Pauline ang break-up nila.

 

Dahil sa mga pinagdaanan daw na pagsubok ni Pauline sa kanyang lovelife, na-blind item ito na nagiging unprofessional at muntik na raw palitan siya sa isang teleserye.

 

“Ay, wala naman pong gano’n. Kahit po nagkaroon tayo ng personal problems, it never affected my work before. Ten years na po ako sa trabahong ito, never po ako naging sakit ng ulo or problema sa work. Professional po tayo.”

 

After ng break-up ni Pauline with Mayor Bryan, isang taon daw na single ito. Pero ngayon ay may non-showbiz boyfriend na raw siya.

 

“Mas okey po ngayon kasi pribadong tao siya, unlike noong last na nasa politics. Ayoko na sa gano’ng relasyon. Mas happy ako ngayon,” ngiti pa ni Pauline.

 

Ito ang second time niyang magkaroon ng pelikula sa MMFF. Nakasama siya noon sa pelikulang ‘My Teacher’ nila Toni Gonzaga at Joey de Leon na nakasama sa 2022 MMFF.

 

***

 

NAHAHARAP sa reklamong rape ang rapper na si Jay-Z.

 

Inireklamo siya ng babae na ginahasa raw niya sa isang party noong 2000 when she 13 years old at kasama pa raw si Sean “Diddy” Combs.

 

Sa social media post, pinabulaanan ni Jay-Z ang alegasyon sa kanya at “blackmail attempt” daw ito mula sa abogado ng nag-aakusa.

 

Noong October 2024 pa unang inihain ang kaso sa Southern District of New York.

 

Pinagdroga at ginahasa umano ng dalawang celebrity ang dalagita na hindi pinangalanan. Nangyari umano ang krimen sa isang party na pinangunahan ni Combs matapos ang MTV Music Awards noong 2000 na ginanap sa New York.

 

Hindi pa sumasagot ang legal counsel ni Jay-Z patungkol sa kasong sinampa rito.

 

 

 

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Valenzuela ipinagdiwang ang ika-65th Anibersaryo ni Barbie at Jeepney Caravan

    Si Barbie ay nasa Valenzuela City! Para magbigay ng saya at inspirasyon sa mga bata, nakipagtulungan ang Lungsod ng Valenzuela sa Barbie Philippines upang ipagdiwang ang ika-65 Anibersaryo ni Barbie na may temang “Barbie Inspires”.     Kasabay nito ay ang anibersaryo ng jeepney caravan na nag-ikot naman sa mga lungsod sa Metro Manila saka […]

  • ECQ inihirit palawigin

    Inirekomenda ng mga eksperto na palawigin ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) na nakatakdang magtapos sa Abril 4.     Ayon kay Department of Health-Epidemiology Bureau director Dr. Althea De Guzman, kung babawiin ang ECQ matapos ang isang linggong pagpapatupad nito ay kaunti lamang ang ibaba ng bagong kaso ng COVID-19.     Sinabi ni De […]

  • Mga manufacturer ng sardinas naglalayong magtaas ng presyo

    INIHAYAG ng Canned Sardines Association of the Philippines na makikipagpulong ito sa Department of Trade and Industry para pag-usapan ang kanilang kahilingan para sa pagtaas ng suggested retail price (SRP).     Sinabi ni CSAP executive director Francisco “Bombit” Buencamino, ang sektor ay na-stuck sa July 2021 SRP habang ang mga presyo ng gasolina, na […]