• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sinovac, unang gagamitin ng Pinas sa vaccination program nito

KINUMPIRMA ng Malakanyang na ang bakunang gawa ng China na Sinovac ang unang bakuna na gagamitin ng Pilipinas sa vaccination program nito.

 

“Yes, I can confirm. It looks like Sinovac will be the first vaccine that we will used in our vaccination program,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

 

Ito’y sa kabila ng may apat na dokumento pa ang hinihingi pa ng Food and Drugs Administration (FDA) sa Sinovac kaya’t hindi pa makapag- isyu ng Emergency Use Authorization (EUA) ang FDA sa Sinovac.

 

Sinasabing  hindi na kakayanin pa ang pagdating sana ng Sinovac bukas, Pebrero 23 na una na nitong inanunsiyo na nakaukit na sa bato ang pagdating sa bansa.

 

Ayon kay Sec. Roque, naiintindihan nila ang FDA sa kalagayan nitong ang nais lang ay masiguro na ligtas at epektibo ang mga ido- donate na bakuna ng China.

 

 

Samantala ayon pa sa balita, “FDA grants emergency use authorization to China’s Sinovac for its Covid-19 vaccine CoronaVac. However, FDA Director General Eric Domingo says Sinovac vaccines not recommended to be used among  healthcare workers.

 

 

FDA says efficacy rate of Sinovac is 50.4 percent if givennto healthcare workers, based on studies in Brazil.

 

Sa kabilang dako sa tanong naman kung ano ang mangyayari sa mga bakunang Pfizer at AstraZeneca ay sinabi ni Sec.Roque na may natanggap na silang notice mula sa World Health Organization (WHO) na ang AstraZeneca ay darating sa bansa sa katapusan ng Pebrero.

 

Subalit may babala rin na maaari itong ma-delay dahil sa logistical challenges.

 

Para naman sa Pfizer ay sinabi ni Sec. Roque na wala pa aniya itong kasiguraduhan. (Daris Jose)

Other News
  • YORME ISKO, TUMANGGING PAG-USAPAN ANG PULITIKA

    TUMANGGI muna ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso na pag-usapan ang pulitika dahil nakatutok ito sa pagtugon sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.       Ito ay matapos siyang hingan ng komento hinggil pagsama sa kanya sa listahan sa mga posibleng kandidato para sa 2012 election ng bagong tatag na electoral […]

  • Recognitions, financial support pour in for the fallen heroes

    CITY OF MALOLOS- The five fallen heroes received outpouring recognitions and financial support as the Provincial Government of Bulacan hold a special tribute for their heroism dubbed as “Salamat at Paalam… Luksang Parangal para sa mga Bayaning Tagapaglistas! at the Bulacan Capitol Gymnasium here yesterday.     On behalf of George E. Agustin from Iba […]

  • National Police Commission, kulang ng 50,000 personnel

    INIHAYAG  ng mataas na opisyal na kulang sa bilang na humigit-kumulang 50,000 police personnel ang National Police Commission (NAPOLCOM).     Ayon sa pahayag sa senado ni National Police Commission vice chairperson at executive officer Alberto Bernardo, mayroon silang 129,000 manning position para sa patrolmen at patrolwomen ngunit ang kasalukuyang bilang ng nasa nasabing posisyon […]