Sinupalpal ng Malakanyang ang mga nagnanais na makakuha ng kopya ng (SALN) ng Pangulo
- Published on November 11, 2020
- by @peoplesbalita
TILA sinupalpal ng Malakanyang ang mga nagnanais na makakuha ng kopya ng Statement of Assets, Liabilities and Net worth (SALN) ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Ininguso at itinuro ni Presidential spokesperson Harry Roque sa mga ito na magpunta ng Ombudsman at doon humingi ng kopya.
Ito’y sa kabila ng nagpalabas na ang ahensiya ng access restrictions sa dokumento na nasa kanilang pangangalaga.
Kamakailan ay kapansin-pansin na ayaw pag-usapan ng Malakanyang ang SALN ni Pangulong Duterte. Sa harap na rin ng paggigiit ng ilang media entities na makakuha ng kopya ng SALN ng Pangulo subalit bigo ang mga ito.
Sinabi ni Sec. Roque na wala sa timing ang hirit sa kopya ng SALN ni Pangulong Duterte dahil katatapos lang ng bagyo at abala ang mga opisyal ng gobyerno sa pagtulong sa mga nasalanta ng kalamidad.
“Saka na po natin pag-usapan yan, dito na muna tayo sa bagyo,” ang maiksing tugon ni Roque sa kanyang press briefing nitong Lunes.
Pinagpasa-pasahan din umano ang mga humihingi ng kopya sa Malacañang sa kabila ng pagsunod nila sa requirements na itinakda ng Ombudsman. (Daris Jose)
-
Philippians 2:10
At the name of Jesus, every knee must bend.
-
Navotas at Valenzuela, naghahanda na sa paglalagyan ng bakuna sa COVID-19
Kabilang sa mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila ang ang lungsod ng Navotas at Valenzuela ang naghahanda na ngayon ng paglalagyan nila ng kanilang mga bakuna sa COVID-19 bago ang pagdating nito sa bansa. Sinabi ni Navotas Mayor Toby Tiangco na bumili ang pamahalaang lungsod ng bio refrigerator, single insulation transport cooler, […]
-
PDu30, hindi personal na dadalo sa ASEAN summit sa Jakarta
SINABI ng Malakanyang na hindi personal na dadalo si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa summit ng mga lider ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) countries sa Jakarta ngayong linggo. “Ang Presidente po, hindi personally mag-a-attend. But I’m sure, that our Department of Foreign Affairs will be there,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque. […]