• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Skyway Stage 3, toll free pa – TRB

Libre pa ring magagamit ng mga motorista ang  Skyway Stage 3 hanggang hindi pa naisasapinal ng Toll Regulatory Board (TRB) ang panukalang toll rates dito.

 

 

Ayon kay TRB Spokesperson Julius Corpus, hangga’t hindi pa nagbibigay ng pormal na pag-apruba ang TRB sa ipinapanukalang toll rates sa Skyway Stage 3 ay hindi pa rin maaaring singilin ng toll fee ang mga motoristang dumaraan doon.

 

 

Ipinaliwanag ni Corpus na sa ngayon ay sinusuri pa nilang mabuti ang lahat ng konsiderasyon, gaya ng kung magkano pa ang toll fee na dapat kolektahin, upang maging katanggap-tanggap  ito para sa mga motorista.

 

 

“Hangga’t hindi pa nag-iisyu ng formal approval ang pamunuan natin dito ay hindi pa sila pwedeng maningil,” ani Corpus. “Sinusuri po natin mabuti ang lahat ng mga kunsiderasyon upang pag nagbigay ng ating approval ang ating pamunuan kung magkano ang toll fee ang kokolektahin, eto sana ay maging katanggap-tanggap at rasonable sa ating motorista,” aniya pa.

 

 

Matatandaang nitong Enero ay binuksan na ng San Miguel Corporation (SMC) ang Skyway Stage 3 sa mga motorista at isang buwan itong ipinagamit ng libre.

 

 

Anang SMC, sisimulan nila ang pa­ngongolekta sana ng toll fee na mula P110 hanggang P274 sa Skyway Stage 3 simula kahapon, Pebrero 1.

 

 

Samantala, base naman sa obserbasyon ni Corpus ay malaki ang naitulong ng bagong bukas na Skyway sa pagpapaluwag ng daloy ng trapiko sa EDSA.

 

 

Aniya, mahigit kalahati kasi ng may 80,000 motorista na dating dumaraan sa EDSA ay dumaraan na ngayon sa Skyway Stage 3. (Daris Jose)

Other News
  • Omicron magiging dominant variant sa loob ng 3-4 linggo

    Inaasahan na magiging dominanteng variant ng COVID-19 sa Pilipinas ang Omicron variant sa susunod na tatlo o apat na linggo.     Ayon kay DOH Undersecretary at treatment czar Leopoldo Vega, nananatiling dominanteng variant pa rin ang Delta ngunit maaaring agad na malagpasan ito ng Omicron dahil sa ulat ng bilis ng ‘incubation’ nito at […]

  • April opening target ng NCAA

    Magdiriwang ang sports fans sa Abril sa susunod na taon dahil sabay-sabay na magbubukas ang malalaking torneo sa naturang buwan.   Plano rin kasi ng NCAA na simulan ang Season 96 nito sa naturang petsa sakaling maging maayos na ang lahat.   Makakasabay ng NCAA sa opening nito ang UAAP na una nang nagpahayag na […]

  • PDU30 itinaas sa 16-anyos sexual consent mula sa dating 12 taon

    TININTAHAN na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Republic Act 116481 na magpapalakas hindi lamang sa Anti- Rape Law kundi gayundin sa inamyendahang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.     Dahil dito, mula sa dating 12 taon pababa ay magiging 16 years old pababa na ang magiging saklaw sa edad […]