Slaughter, Aguilar medya pa lang ang pag-eensayo
- Published on February 23, 2021
- by @peoplesbalita
NAG-BONDING na uli sa hardcourt ang ‘kambal na tore’ ng Barangay Ginebra San Miguel na sina Gregory William ‘Greg’ Slaughter at Japeth Paul Aguilar, ayon sa isang social media account post ng huli nito lang isang araw.
Sa Instagram story ni Slaughter, 32, isang maikling clip na kinuhanan sa isang gym sa Pasig City ang nagpatunay sa pagbabalik sa Gin Kings ni ‘GregZilla’ na may caption na “back in the lab w/my twin @japethaguilar35 hand down man down” sa alalay lang munang praktis ng dalawa.
Nag-sorry noong Disyembre ang seven-footer Fil-Am center sa mga opisyal ng San Miguel Corporation sa pangunguna nina team owner Ramon Ang at SMC sports director at BGSM governor/team manager Alfrancis Chua dahil sa biglaang kanyang desisyong basta na lang pagsibat sa koponan pa-Amerika noong Enero 2020.
Pagkaraan pinatawad naman siya at pumirma sa buwang ito ng bagong kontrata na napaso sa unang buwan nang nagdaan taon ngayong Pebrero para muling makipag-ensayo na sa kakampi sa alak para sa 46th Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup 2021 sa Abril 9.
Huling naglaro sa 44th season sa Ginebra si Slaughter at nag-average ng 9.6 points, 6.4 rebounds, 1.0 assists at 0.9 blocks. (REC)
-
MMDA: 117 pedestrians, namatay noong 2019
MAY 117 na pedestrians ang naitalang namatay noong 2019 ayon sa report ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kung saan sila ay tinatawag na “most vulnerable road users.” Ayon sa datos ng MMDA sa ilalim ng Metro Manila Accident Reporting and Analysis System, noong 2018 ay mayroong 141 na pedestrians ang nasawi at 167 […]
-
DTI, nanawagan sa publiko na huwag bumitiw sa pagsunod sa mga health protocols
NANAWAGAN ang Department of Trade and Industry (DTI) sa mga Christmas shoppers na huwag bumitiw sa pagsunod sa mga health protocols para hindi na muling sumirit ang bilang ng mga mahahawaan ng Covid-19. Sa Laging Handa briefing sinabi ni DTI sec. Ramon Lopez, na kapag lalabas ng bahay ngayong holiday season ay dapat na laging […]
-
JOHN LLOYD, binigyan ng kakaibang importansiya at payo si JOSHUA
WALA pa rin kupas ang isang John Lloyd Cruz. Kahit na tatlong taon din yata na nag-leave ito sa showbiz, tila nasasabik pa rin sa kanya ang mga tagahanga niya. Pinagkaguluhan si John Lloyd ng mga fan niya sa Sorsogon. Kasalukuyang nasa naturang probinsiya ang actor para sa shooting ng Servando […]