• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Slaughter nagpatali na

NAGPAKASAL na si Philippine Basketball Association (PBA) free agent Gregory William ‘Greg’ Slaughter ilang oras pagkakopo ng dati niyang team na Barangay Ginebra San Miguel sa 45th Philippine Cup 2020 championship nitong Miyerkoles ng gabi sa Angeles University Foundation Sports Arena sa Angeles, Pampanga.

 

Itinali angpuso ng 32-taong gulang, may taas na 7-0 talampakan na sentro sa may katagalan ma niyang kasintahang si Schinina Juban  araw ng Huwebes, Disyembre 10.

 

Sa Twitter account post ng basketbolista, may litrato sila ng dyowa habang nakasuot siya ng barong at wedding gown naman ang babae.

 

Walang nilagy si Slaughter na caption sa larawan nila, sa halip ay kinabitan ng emoji ng singsing, at ng  lalaki at babaeng ikinasal.

 

Pagkakopo ng 44th PBA Governors’ Cup nitong Enero, hindi na pumira ng bagong kontrata sa Gin Kings ang manlalaro at naglimayon sa Estados Unidos at doon na inabot ng lockdown.

 

Oktubre na nakabalik ng ‘Pinas ang Fil-Am baller, na nagparamdam na kay Ginebra coach Eael Timothy ‘Tim’ Cone na magbalik sa team sa 46th PBA PH Cup 2021 sa darating na Abril. (REC)

Other News
  • Abang-abang lang sa detalye kung kailan: Documentary concert ni ALDEN, malapit na ring mapanood sa Amerika

    NAG–POST na sa kanyang Instagram account si Asia’s Multimedia Star Alden Richards ng “ForwARd: Meet Richard Faulkerson, Jr.” concert is heading to the United States.       Sinamahan pa ito ni Alden ng 14-second teaser showing the American flag and various places including Hollywood.     “In all journey, there’s nowhere to go but forward.  ForwARd […]

  • Sa mga paandar na may caption na ‘I found the right one’: RURU at BIANCA, kino-congratulate na ng marami at may nagtatanong kung ‘engaged’ na

    MARAMI ang nagko-congratulate sa Kapuso sweethearts na sina Bianca Umali at Ruru Madrid.   Habang ang iba, nagtataka at nagtatanong.   Paano naman, halos sabay na nag-post sina Bianca at Ruru sa kanilang individual Instagram accounts ng mga paandar na may caption na, “I found the right one” si Bianca at ang picture na pinost […]

  • Tanging merit scholarship applications para sa freshmen ang apektado ng fund shortage- CHED

    SINABI ng Commission on Higher Education (CHED) na tanging ang bagong aplikasyon para sa merit scholarships sa tertiary level ang apektado ng kakapusan sa pondo.     “Ang hindi nalagyan o nagkulang ‘yung pondo ay ang tinatawag naming merit scholarships. Ito ang financial assistance based on grades,” ayon kay CHED Chairman Prospero De Vera.   […]