Snatcher timbog sa alerting enforcer at parak
- Published on February 28, 2020
- by @peoplesbalita
WALANG kawala ang isang umano’y notoryus na snatcher matapos masakote ng isang alertong pulis at traffic enforcer makaraang sikwatin ang gintong pulseras ng isang 65-anyos na lola sa Valenzuela City, kahapon ng umaga.
Nahaharap sa kasong robbery snatching at illegal possession of deadly weapon ang suspek na nakilalang si Carlo G. Buitizon, 39, ng Carisma St., Panghulo, Malabon City.
Sa natanggap na report ng bagong hepe ng Valenzuela City Police na si P/Col. Fernando Ortega, nasa tapat ng sangay ng Philippine National Bank (PNB) sa McArthur Highway, Brgy. Karuhatan, ng lungsod ang traffic enforcer na si Erick John Fajardo nang mamataan niya ang biktimang si Elena Cerbito na humihingi ng saklolo habang hinahabol ang suspek na tumangay sa kanyang gintong pulseras.
Kaagad namang hinabol ni Fajardo ang suspek hanggang sa makorner ito sa tulong ni PCpl Moore A Ugalde ng Valenzuela City Police Community Precinct (PCP)-9.
Nang kapkapan, nakumpiska sa suspek ang isang patalim at nabawi naman ang pulseras ng biktima na nagkakahalaga ng P6,000. (Richard Mesa)
-
PBBM, muling itinalaga si Cacdac bilang DMW ad interim Secretary
MULING itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Hans Leo Cacdac bilang ad interim Secretary ng Department of Migrant Workers (DMW). Ang reappointment ni Cacdac, makikita sa listahan ng presidential appointees na ipinalabas ng Malakanyang ay patunay na patuloy na ‘nagtitiwala at kumpiyansa’ ang Pangulo kay Cacdac. Ipinagpaliban naman ng […]
-
Yulo kaya ang Olympic gold – Carrion-Norton
TIWALA ang Gymnastics Association of the Philippines (GAP)na kakayanin ni Carlos Edriel ‘Caloy’ Yulo na mabigyan ng unang gold medal ang mga Pinoy sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na naurong lang ng Hulyo 2021 sanhi ng pandemya. Ito ang walang takot na pinahayag nitong Biyernes ni GAP president Cynthia Carrion-Norton, […]
-
Mga menor-de-edad sa Navotas, bawal pa rin lumabas
HINDI pa maaring gumala ang mga menor-de-edad sa Lungsod ng Navotas dahil tuloy ang 24-oras na curfew para sa kanila sa kabila ng pasya ng Inter- Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases na payagan na ang mga may edad 15-65 na umalis ng bahay. “We want our children to stay […]