• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sobrang na-touch si Manay Lolit: KRIS, ‘di nakalimutang mag-send ng gift kahit na may matinding sakit

SA Instagram account ni Manay Lolit Solis binanggit niya na nakaramdam daw siya ng sobrang kaba nang malaman ang naging dahilan ng pagkamatay ng kapwa niya talent manager na si Leo Dominguez.

 

 

 

Ayon kay Manay Lolit na may karamdaman din sa ngayon ay hindi pa rin daw siya maka-get over sa pagkamatay ni  Leo D.

 

 

 

“Hindi ko ma-comprehend iyon cause of death na nasabi sa akin,” lahad pa ni Manay sa post niya.

 

 

 

Dagdag pa niya na maging isang aral daw yun sa kanya.

 

 

 

Kumbaga, kailangan na raw siguro na maging maingat siya sa anumang pagkain na binibigay sa kanya at yung mga natıkman daw na medyo na iba na raw ang lasa ay dapat huwag nang ituloy ang pagkain.

 

 

 

“Grabe talaga dahil hindi mo minsan aakalain iyang mga complications sa mga bagay na kinain natin.

 

 

 

“Aral ito sa isang PG na tulad ko kaya nga pangako ingat na ako sa mga food na take ko. Ako pa naman kahit ano kinakain ko,” banggit pa niya.

 

 

 

Hindi itinanggi ni Manay na madalas daw niyang kumain ng mga ganung kaparehang pagkain.

Kaya ganun na lang ang naramdaman niyang niyeebyos.
Inamin ni Manay Lolit na inatake siya ng nerbiyos nang malaman ang posibleng dahilan ng biglang pagkawala ng kanyang colleague sa showbiz industry.
“Naku, medyo kinabahan ako talaga dahil sabi sa cake na kinain nag-start ang naging problema ni Leo.” Sey pa ng manager.
Samantala, naging emosyonal naman ang nasabing talent manager nang makarating sa kanya ang balitang reregaluhan siya ni Kris Aquino para sa kanyang ipinagdiriwang na 77th birthday.
Sey pa ni Manay na sobrang na-touch daw siya sa gesture na yun ni Kris na kahit milyon-milyon nga naman ang ginastos sa ospital ay nakuha pa rin ng aktres na magregalo sa kanya.
“Gusto ko na naman maiyak. Tumawag si Check, isa sa PA ni Kris Aquino dahil may pinadadalang regalo si Tetay,” banggit niya sa kanyang IG post, huh!
“Imagine mo na sa gitna ng mga health problems ni Kris maisip pa niyang magpadala ng gift para sa akin.”
“Napaka thoughtful niya at ito iyon sinasabi ko na si Kris never nagtatanim ng sama ng loob,” saad pa ni Lolit Solis.
Samantala, sa mismong selebrasyon ng kanyang 77th birthday ay mas naging masaya sana at kumpleto kung nakarating at personal siyang binati ng kanyang mahal na mahal pa rin at dating talent na si Gabby Concepcion.
***
GUSTO naming pasalamatan ang lahat ng mga special people na naging dahilan sa successfully naidaos namin ang yearly event na SAGALAHAN 2024 ng Brgy. 123.
Una siyempre ang aming Congressman Ernix Dionisio, Mayora Honey Lacuna, Councilors Irma Alfonso, Niño dela Cruz, Jesus Fajardo, Marjun Isidro, Ian Banzai at Bobby Lim and son Moises Lim.
And in behalf of our Kapitana Dindi Banal and council, SK Che Danda Fabregas and council thank you to all our judges (Blessie Cirera, Beth Gelena, Sec. Cacay Castillo, Madam Weng Arcangeles,
Madam Menchie Labasan, Ms. Pinky, sisters Melva and Norma).
And to our Hermana Mayora Leilani Yalong.
Kasama namin sa committee sina Kag. Malan, Sec. Cacay Castillo and Treas Ralaine Tańada kasama ang buong kunseho ng Brgy 123. Special mention pa rin Kapitana Dindi, Kag. Merly and Kag.
Amor na nagpapasaya sa event dahil sa inyong pakikisa as mga Reyna.
Congratulations po sa ating lahat.
(JIMI C. ESCALA) 
Other News
  • Jimuel Pacquiao tagumpay ang US debut

    TAPOS na ang makulay na professional boxing career ni Manny Pacquiao habang nagsisimula pa lang ang kanyang anak na si Jimuel.     Panalo kaagad ang naitala ng 20-anyos na si Jimuel matapos talunin si American Andres Rosales sa kanilang three-round, junior welterweight amateur fight kahapon sa House of Fights sa San Diego, California.   […]

  • 12.2 milyong Pinoy, jobless sa first quarter ng 2021 – SWS

    Tinatayang 12.2 milyong Pinoy ang walang trabaho sa unang quarter ng 2021 sa panahong nararanasan ng bansa ang pandemic.     Batay sa SWS survey, 25.8 percent ng adult labor force ay nananatiling walang trabaho pero mas mababa ng may 1.5 percent mula sa 27.3% o 12.7 milyong Pinoy na jobless noong huling quarter ng […]

  • 22-K bilanggo pinalaya – Año

    Humigit kumulang 22,000 detainees ang pinalaya sa hangad na luwagan ang mga overcrowded nang bilangguan sa buong bansa sa gitna ng COVID-19 pandemic.   Sa isang statement, sinabi ni DILG chief Eduardo Año na 21,850 persons deprived of liberty (PDLs) ang pinalaya mula Marso 17 hanggang Hulyo 13 sa loob ng 470 kulungan na hawak […]