Sofia, ‘di mawawala o papatayin sa kuwento
- Published on November 11, 2020
- by @peoplesbalita
SINIGURADO ng director ng Prima Donnas na si Direk Gina Alajar na kahit na hindi nila nakasama sa lock- in taping ang isa sa tatlong girls ng serye na si Sofia Pablo, hindi ito mawawala o papatayin sa kuwento.
Kaya matutuwa ang mga fans ng Prima Donnas girls.
Ayon kay Direk, “Si Sofia, kasama pa sa umpisa. Kasi, meron pa kaming mga episodes na before pandemic na hindi pa napapalabas and you it’s something to watch for, yun ang high- light ng character ni Sofia, she was so good in her scene.
“And after that, hindi naman siya inalis sa istorya. Merong device ang mga creatives na ginawa. She will be talked about at makikita talaga sa mga eksena na kausap siya sa telepono. She’s always in the scene, her picture is always in the scene. Hindi namin siya pinatay. Kung yun ang iniisip ng mga tao.”
Pinagdiinan ni Direk Gina na hindi raw mamamatay ang character ni Sofia till the end of Prima Donnas.
At dahil nakapag-lock-in taping na nga, simula noong Lunes, November 9, mga fresh episodes na ang mapapanood ng mga masugid na taga-subaybay ng GMA Afternoon prime na ito.
Kasama rin dito sina Althea Ablan, Jillian Ward, Elijah Alejo, Aiko Melendez, Katrina Halili at Wendell Ramos.
*****
ANG GMA Telebabad na Love of My Life na ang susunod na sasalang ngayon sa lock-in taping.
Nauna na nga ang Descendants of the Sun na kasalukuyang napapanood na ngayon ang mga fresh episodes. Nakapag-lock in taping na rin ang Anak ni Waray vs. Anak ni Biday at heto na, ang Love of My Life na ang sasabak sa new normal taping.
22-day lock-in taping ang mangyayari sa kanila at karamihan sa cast, first time na sasabay sa lock-in. Kung hindi kami nagkakamali, sila ang pinakamatagal na magla-lock-in dahil kadalasan, two or less than two weeks lang.
At dahil nga mahaba-haba silang magla-lock-in, puspusan ang ginagawang preparation ng cast. Pero game naman lahat, maging ang actress na si Coney Reyes.
Ayon kay Ms. Coney, “Minsan iniisip mo, kailangan ko ba talagang dalhin ‘to? Baka hanapin ko kapag nandu’n ako, mga ganu’n saka yung mga pagkain.”
Sa part naman ni Mikael Daez, gusto raw niyang huwag magdala ng maraming gamit. More on essentials daw ang dadalhin niya at iniisip din niya, mahirap kung magkulang siya ng brief.
Portable cooker naman daw ang siguradong dadalhin ni Carla Abellana na anytime raw na magutom siya or gusto ng iba ng pagkain, may travel cooker siya na magagamit.
Sa kanilang lahat, si Rhian Ramos pa lang ang masasabing nakaranas na ng lock-in taping dahil sa I Can See You at natutunan na rin daw niya na dalhin lang ang talagang kailangan. At isa sa mahalagang bagay na dadalhin niya, mini-washing machine.
Sadyang kakaibang experience talaga ngayon sa production at lalo na sa mga artista ang new normal taping. Independent sila at walang allowed na driver at P.A.
*****
NAGLABAS ng bagong single ang The Clash Master host ng The Clash na si Julie Anne San Jose.
Love song na may pagka- acoustisish at soulful daw ang vibe ng song na parang R&B.
Ayon kay Julie Anne, sigurado raw na makaka-relate sa kanta, lalo na ang mga brokenhearted na gustong magsimula muli.
Hmmm…. kung tama yung nakarating sa amin tungkol sa lovelife ng Asia’s Pop Diva, ‘di kaya si Julie ang mas una nang naka-relate sa bago niyang kanta? Huh!
Sey niya, “Ang message ng song is lahat naman tayo dumadaan sa hardships. Lahat naman tayo ay may heartaches na napagdadaanan. But if you open your heart again, you can try to love again and be open to possi- bilities kasi ang pagmamahal andiyan lang naman sa paligid natin. So minsan kahit di natin hinahanap, kusa na lang siyang dumarating sa ‘yo.” (ROSE GARCIA)
-
Miami coach Erik Spoelstra kinuwestiyon ang COVID-19 protocols ng NBA
Kinuwestiyon ni Miami Heat coach Erik Spoelstra ang COVID-19 protocols na ipinapatupad ng NBA. Sinabi nito na dapat ang mga manlalaro na nagpositibo kahit na fully vaccinated at asymptomatic ay tratuhin din tulad ng taong positibo sa COVID-19. Dagdag pa nito na halos lahat ng mga tao ay nabakunahan na at […]
-
Labor group, umapela ng P470 na dagdag sa minimum wage sa NCR
UMAPELA ang Trade Union Congress of the Philippines ng P470 na dagdag sa minimum wage kada araw sa National Capital Region. Kaugnay nito naghain ang labor group ng petisyon para sa pagtataas ng sahod sa Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWRB)-NCR office sa Maynila. Inihayag ng grupo ang ilang kadahilanan […]
-
PRIDE FESTIVAL 2023, IDARAOS SA QUEZON MEMORIAL CIRCLE
INAASAHANG aabot sa 50,000 ang makikilahok sa isasagawang Pride Festival ngayong taon na isasagawa sa Quezon Memorial Circle ayon sa Pride Ph, ang organizer ng naturang festival. Magsisimula ang festival alas dyes ng umaga at magkakaroon ng PRIDE EXPO, PRIDE MARCH AT PRIDE NIGHT. Sabi naman ni Rod Singh, ang syang […]