• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sotto delikado sa FIBA ACQ

NANGANGANIB na hindi makapaglaro sina Kai Sotto at AJ Edu sa laban ng Gilas Pilipinas sa FIBA Asia Cup Qualifiers na gaganapin sa Nobyembre 21 at 24 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

 

 

Ayon kay Gilas team manager Richard del Rosario, under obrservation pa si Sotto base na rin sa six-step concussion protocol na inilatag ng Japan B.League.

 

 

Nakikipag-ugnayan ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) sa medical team na humahawak kay Sotto sa Japan upang malaman ang estado nito.

 

“We’ve been in touch with the medical team of Kai Sotto in Japan. He’s been put under the concussion protocol of the B.League. We are follo­wing that and he’s in the process of completing that concussion protocol,” ani Del Rosario.

 

 

Kailangan ni Sotto na makumpleto ang six-step concussion protocol kung saan kasalukuyang nasa third step na ang 7-foot-3 Pinoy cager.

 

“From all indications, he will be available come game time upon completion of those protocols. Right now, there are six steps to be taken. He’s on his third step, and it’s not as easy as going to the next step right away,” ani Del Rosario.

 

 

Ito’y madali dahil kada step, kailangan ni Sotto na kumonsulta sa doctor bago magtungo sa susunod na step.

 

 

Umaasa ang SBP na mapapadali ang pagkumpleto ni Sotto sa protocol upang makapaglaro ito sa krusyal na laban ng Gilas Pilipinas at New Zea­land sa Nobyembre 21.

 

 

“Considering everything, if he passes all those steps, by the time that we play New Zealand, then he can play. He can even practice days before that,” ani Del Rosario.

Other News
  • ‘Timely announcement’ ng gov’t work, class suspension, pangako ng DILG

    NANGAKO ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ng maagang anunsyo ng suspensyon ng trabaho sa gobyerno at mga klase isang araw bago pa ang pagdating ng bagyo.   Pinahintulutan kasi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang departamento na ianunsyo ang suspensyon sa mga pagkakataon na may masungit at masamang panahon.   […]

  • Grupo ni Manny Pangilinan may planong magkaroon ng buy out sa Ayala’s LRT1 stake

    TULOY ang plano ng Metro Pacific Investments Corp. (MPIC) sa ilalim ni Manny Pangilinan na bilihin ang 35 porsiento investment ng mga Ayalas sa operator ng Light Rail Transit Line 1 (LRT1) upang mas mapalakas ang MPIC’s portfolio na siyang magbibigay daan sa tuluyang pag-bid sa nasabing railway.       “Our company is looking […]

  • Wish na makapag-crossover din sa ‘Widow’s War’: RABIYA, pangarap na mabingi sa malakas na sampal ni JEAN

    TYPE palang magpasampal ni Rabiya Mateo kay Jean Garcia sa teleserye na ‘Widow’s War’.   Wish ng former Miss Universe Philippines 2020 na mag-crossover ang character niyang si Tasha na galing sa teleserye na ‘Royal Blood’.   “I’m open to the idea na si Tasha papasok sa Widows’ War. At sana makaeksena niya ang isang […]