• December 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sotto gustong maging NBA star, best Asian

INAASAM ni 7-foot-2 Pinoy phenom Kai Zachary Sotto na mapabilang balang araw sa National Basketball Association (NBA) All-Star Game at maging pinakamahusay na manlalaro sa Asya.

 

Sinalaysay ito ng 19 na taong-gulang at tubong Las Piñas City sa isang panayam noong isang araw sa isang FM radio program,

 

“I envision myself to be an NBA All-Star. I would do everything I can to be an All-Star to prove that I am a great player and to represent Asia,” wika ng anak ng dating manlalaro ng Philippine Basketball Association (PBA) na si Ervin Sotto.

 

Kasagsagan na ang preparasyon ni Sotto sa Estados Unidos  para sa nalalapit na opening ng 19th NBA G League 2020-21 sa papasok na buwan.

 

“Five years from now, I want to be the best in Asia also – being a Pilipino – and represents the Philippines. That is the dream I have,” wakas na banggit ng basketbolista.  (REC)

Other News
  • OA SA PANIC-BUYING

    KALAT nasocial media ang mga insidente ng panic- buying kung saan nagkakaubusan na raw ng suplay ng alcohol, hand sanitizer, tissue, face mask at iba pa sa gitna ng outbreak ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).   Kaugnay nito, agad na umapela ang gobyerno sa publiko na iwasan ang pagse-share ng mga hindi beripikadong impormasyon dahil […]

  • Laguna, pinalawig ang ECQ hanggang Agosto 20

    PINALAWIG ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Laguna hanggang Agosto 20, 2021.   Ito’y batay na rin sa rekomendasyon ng Department of the Interior and Local Government at matapos ang konsultasyon sa lokal na pamahalaan ng Laguna.   Nauna nang inilagay ang Laguna sa ilalim ng ECQ hanggang Agosto 15, […]

  • OP, top spender ng confidential, intelligence funds noong 2023- COA

    TOP spender ang Office of the President (OP) pagdating sa confidential and intelligence funds nito noong 2023.     Sa katunayan, gumastos ang OP ng P4.57 billion na confidential at intelligence expenses noong 2023, ayon sa Commission on Audit (COA) Annual Financial Report.     Ang CIE expenses ng OP ay P4.57 billion noong nakaraang […]