• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sotto swak pa rin para sa Gilas ‘Pinas training pool

IPINAHAYAG ng Samahang Basketbol ng Pilipinas Inc. (SBPI)  na kabilang pa rin para sa Gilas Pilipinas training pool si National Basketball Association (NBA) prospect Kai Zachary Sotto.

 

 

“He’s part of the list so we just have to talk to him, reach out to him again, we haven’t finalized our calendar yet, but once we do we will have share with him what the plan is,” salaysay ni SBP president Alfredo Panlilio nitong Martes ng gabi.

 

 

Bulilyaso ang binyag sa national men’s team ng 18-anyos, 7-3 ang taas na Pinoy cage phenom para sa third and final window ng 30th International Basketball Federation (FIBA)  Asia Cup Qualifiers 2021 sa ‘Pinas at sa Doha nitong Pebrero sanhi ng Coronavirus Disease 2019.

 

 

Sumalto rin ang  tubong Las Piñas na basketbolista  para sa Ignite Team ng 20th NBA G League 2021 sa nakalipas na buwan dahil sa pag-uwi ng ‘Pinas at pagbalik ng Estados Unidos, pinigilan na siyang makapasok sa Orlando, Florida bubble sanhi nang mahigpit na health protocol na pinaiital.

 

 

“But like I said in the past, he’s welcome to join us and he’s part of the pool. Actually, he’s name is there,” hirit na lahad pa ng opisyal

 

 

Pinangwakas niyang tigil muna ang SBPI sa paghiram ng mga manlalaro ng Philippine Basketball Association (PBA)  Gilas para sa Asia Cup Qualifiers window three sa Subic, Zambales sa Hunyo 14-20 at sa FIBA Olympic Qualifying Tournament sa Hunyo 29-Hulyo 4 sa Serbia, Belgrade, Serbia. (REC)

Other News
  • PDu30, malabong ma-impeach -Sec. Roque

    MALABONG ma-impeach si Pangulong Rodrigo Roa Duterte at mapatalsik sa kanyang posisyon dahil lamang sa kanyang polisiya sa West Philippine Sea (WPS).   Pinalagan ni Presidential Spokesman Harry Roque ang alegasyon ni dating Supreme Court Justice Antonio Carpio na ang Pangulo ay nakagawa ng “betrayal of public trust and national interest” dahil sa kanyang posisyon […]

  • Allysa Valdez bumandera sa national team na sasabak sa SEA Games

    BUMANDERA ang pangalan ni Alyssa Valdez sa volleyball player na sasabak sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.     Ayon sa Philippine National Volleyball Federation (PNVF), makakasama niya ang isa pang volleyball star na si Jia Morado, Jaja Santiago at Kalei Mau.     Sinabi ni PNVF president Ramon “Tats” Suzara na mayroong […]

  • VP Sara, nagbukas ng 6 OVP satellite offices

    NAGBUKAS ang Office of the Vice President (OVP) sa ilalim ni Vice President Sara Duterte – Carpio ng anim na satellite offices sa buong bansa.     Sa isang Facebook post nitong Sabado ng gabi, sinabi ni Duterte-Carpio na ang OVP sa­tellite offices ay matatagpuan sa Dagupan City, Cebu, Tacloban, Zamboanga, Davao, at Tandag sa […]