Speech sa SONA, fine-tuning na lang-PBBM
- Published on July 20, 2024
- by @peoplesbalita
FINE-TUNING na lang ang ginagawa nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para sa magiging talumpati niya sa kanyang pangatlong State Of the Nation Address (SONA) sa darating na Lunes, Hulyo 22, 2024 sa Batasang Pambansang Complex sa Quezon City.
“Tuloy tuloy pero yung kabuuan ng speech ko, tapos na. Fine-tuning na lang ang ginagawa namin. Aayusin namin ‘yan lahat bukas at saka hanggang Linggo para maging handa sa SONA sa Lunes,” ayon kay Pangulong Marcos sa isang panayam.
Ang problema lamang aniya kasi ay maraming problema na nais niyang pag-usapan.
“So, ang problema, napakarami ang gusto kong pag-usapan, baka humaba masyado, kaya hinahanapan namin, pina- prioritize namin lahat, tapos baka pwede makapag-explain ang ating mga secretary doon sa mga detalye ng iba,” ayon pa kay Pangulong Marcos.
“Kaya andun tayo ngayon, tapos na yan. Sinusubukan lang natin,” dagdag na wika nito.
Nauna rito, sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil na personal na sinusulat ni Pangulong Marcos ang laman ng kanyang ulat para sa bayan.
Sinabi pa ng kalihim na kasama sa ginagawa ng pangulo ang pag-edit mismo ng kanyang SONA speech.
Nauna nang sinabi ni Pangulong Marcos na nakatutok sa lagay ng ekonomiya ng bansa, kampanya ng pamahalaan laban sa kriminalidad at ilegal na droga, ang pagpagpapabuti sa buhay ng mga Filipino ang laman ng kanyang SONA.
Inaalaala naman ni Pangulong Marcos kung paano pagkakasyahin sa loob ng isang oras ang kanyang SONA.
Samantala, okay lang kay Pangulong Marcos kung hindi na magsilbi sa kanyang gabinete si Vice-President Sara Duterte.
“Eh… Okay. That’s her position,” ayon sa Pangulo. (Daris Jose)
-
US archbishop itinalaga ni Pope Francis bilang bagong papal nuncio sa PH
INANUNSIYO ngayon ng Vatican ang pagpili ni Pope Francis kay Archbishop Charles John Brown bilang kanyang bagong papal nuncio sa Pilipinas. Ang 60-anyos na American diplomat ay nagmula sa bansang Albania na nagsilbi bilang apostolic nuncio mula pa taong 2017. Papalitan ni Archbishop Brown si Archbishop Gabriele Caccia, na siya na ngayong Permanent […]
-
Tokyo Olympics organizers walang papayagan audience mula sa ibang bansa
Nagpasya ang Japan na walang mga audience na mula sa ibang bansa sa hosting nila ng Tokyo Olympics at Paralympics. Ang nasabing hakbang aniya ay para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19. Nakatakdang makipagpulong ang Japanese government at Japanese organizing committee ng Summer games sa International Olympic Committee para sa nasabing usapin. […]
-
Pagdinig ng Quad Comm, kinansela
KINANSELA ng Quad Comm ang pagdinig nito kahapon (Huwebes) upang hayaan ang mga miyembro ng Kamara na mapagtuunan ng pansin ang pagbibigay ng tulong sa kani-kanilang distrito na apektado ng bagyong Kristine. Nagpahayag din si Rep. Ace Barbers, lead Chair ng Quad Committee, nang pag-aalala sa mga kababayang apektado ng bagyo. “Our primary […]