• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sports facilities ng PSC, ikinandado; ilang staff nagpositibo sa coronavirus

Isinara simula ngayong araw (Agosto 12) ang dalawang pangunahing sports facilities ng bansa matapos magpositibo sa coronavirus ang ilang staff nito, ayon sa ulat.

 

Base sa  inilabas na memorandum ng Philippine Sports Commission (PSC), pansamantala muna nilang isasara ang Rizal Memorial Sports Complex sa Maynila at PHILSPORT Complex sa Pasig City upang magsagawa ng disinfections.
Ginawa ang pagpapasara bilang bahagi ng health protocols upang maiwasan ang mas malalang pagkalat ng COVID-19 virus sa mga pasilidad, ayon kay PSC Chairman William Ramirez.

 

Wala namang binanggit si Ramirez kung hanggang kailan isasara ang 2 nasabing pasilidad.

 

Ginagamit ng PSC ang Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, Maynila na administrative office at tirahan ng mga national athlete habang sa PHILSPORTS Complex naman nananahan ang opisina ng PSC, Philippine Olympic Committee at ilang national sports associations.

Other News
  • BAGO SANA ang NEGOSYO, AYUSIN MUNA ANG SISTEMA!

    Sa kabila ng maraming tanong mula sa mga motorista ay tuloy na ang operasyon ng ilang Motor Vehicle Inspection System (MVIS) providers.  At gaya ng inaasahan, kapag hindi pa maayos ang sistema ay perwisyo ang dulot nito sa motorista na nagpaparehistro ng kanilang mga sasakyan.  Ayon sa ilang motorista na dumulog sa Lawyers for Commuters Safety and […]

  • ONE eSports Dota 2 Indonesia, inilatag

    IPINAHAYAG ng ONE eSports, isang subsidiary ng ONE Championship (ONE) na pinakamalaking global sports media property sa Asia, ang pakikipagtambal sa PGL para sa pagsasagawa at pagsasapubliko ng official schedule sa Singapore para sa susunod na ONE Esports Dota 2 Indonesia Invitational sa Nobyembe 23-29.   “The success of the ONE Esports Dota 2 Singapore […]

  • House-to-house jabs para sa mga seniors, mga may comorbidities, itinutulak

    MULING nanawagan ang Malakanyang sa local government units (LGUs) na ikunsidera ang house-to-house vaccination drives upang mabakunahan laban sa Covid-19 ang mas maraming senior citizens at mga taong may comorbidities.     Sinabi ni actng Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, na ang pagbibigay ng vaccination services sa bahay ay mas makapagbibigay ng “convenience’ […]