• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SSS at Pag-IBIG members pwedeng mag-calamity loan

KAPWA nag-alok ng calamity loan ang Social Security System (SSS) at Home Development Mutual Fund o Pag-IBIG sa mga miyembro  na nasalanta ng bagyong Paeng.

 

 

Ayon sa SSS, ang Cala­mity Assistance Package ay para sa mga miyembro at pensioners na nasalanta ng bagyo sa mga lugar na isinailalim sa state of cala­mity.  Kabilang sa mga lugar na ito na inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay ang Regions 4-A, 5, 6 at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

 

 

Maaaring makapag-avail ang mga apektadong miyembro at pensioners ng cala­mity loan at tatlong buwan na advance na pension.

 

 

“Sila ay maaaring makapag-apply sa ilalim ng cala­mity loan program,” ani Jacinto, sa isang public briefing kahapon.

 

 

Sinabi ng opisyal na ang loanable amount sa ilalim ng calamity loan program ay hanggang 80% ng savings ng miyembro at mayroong interest rate na 5.95% per annum.

 

 

Maaari aniyang bayaran ng miyembro ang naturang loan sa loob ng tatlong taon.

 

 

Kuwalipikado aniyang mag-aplay ng calamity loan ang mga aktibong miyembro na may 24 buwang halaga ng kontribusyon sa Pag-IBIG Fund.

 

 

Kabilang sa mga requirements sa pag-avail ng loan ay ang filled up at signed application form ng nag-a-aplay na miyembro na sinertipikahan ng employer nito.

 

 

Ang mga self-employed members naman aniya ay kailangang magprisinta ng kanilang proof of income.

 

 

Samantala, maaari ring mag-avail ng calamity loans ang mga miyembro ng Home Development Mutual Fund o Pag-IBIG, na naapektuhan ng bagyong Paeng.

 

 

Ayon kay Pag-IBIG Fund public affairs manager Jack Jacinto, aabot sa 344,000 miyembro ng Pag-IBIG ang naninirahan sa mga lugar na sinalanta ni Paeng. (Daris Jose)

Other News
  • PDu30, hindi naniniwalang babalewalain ng Comelec ang “rules’ sa ballot printing

    KUMBINSIDO si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na hindi babalewalain at isasantabi ng Commission on Elections (Comelec) ang mga alituntunin sa pagbubukas ng ballot printing sa election observation groups.     “I do not believe it because itong Comelec naman ang mga tao diyan ay kilala ko lahat ,” ayon kay Pangulong Duterte sa naging panayam […]

  • ‘Doctor Strange in the Multiverse of Madness’ is now the PH’s Highest-Grossing Film of 2022

    A fortnight after the local theatrical release of Marvel Studios’ Doctor Strange in the Multiverse of Madness, the film is now reported to be the Highest Grossing Film in the Philippines in 2022.     Fans of the Marvel franchise expressed their warm reception of the movie as it created new records in the Philippines: […]

  • IATF, wala pang desisyon sa mungkahing ipagbawal ang carolling

    HANGGANG ngayon ay wala pang desisyon ang Inter-Agency Task Force (IATF) sa mungkahing ipagbawal ang carolling sa buong bansa pagsapit ng simbang gabi sa Disyembre para maiwasan ang anumang hawaan ng Covid-19.   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na bagama’t hindi pa ito pinagpapasyahan ng IATF, ay naniniwala siya na mayroong siyensiya sa likod […]