• December 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SSS, nag-alok ng calamity loan, 3-month advance pension para sa mga miyembro

BUBUKSAN ng Social Security System (SSS) ang dalawa nitong programa na naglalayong i-extend ang  financial assistance sa kanilang mga  miyembro at pensiyonado sa mga lugar na naapektuhan ng Super Typhoon Karding.

 

 

Ang dalawang programang ito ani SSS president and CEO Michael Regino ay ang  Calamity Loan Assistance Program (CLAP) para sa mga miyembro at Three-Month Advance Pension for Social Security (SS) and Employees’ Compensation (EC)  para naman sa mga pensiyonado.

 

 

Sa ilalim ng CLAP,  maaaring mag-avail  ng loan ang mga miyembro  ng SSS katumbas ng average ng kanilang  huling 12 monthly salary credit o halaga na kanilang inaplay, kung saan mababa.

 

 

Para sa Three-Month Advance Pension, ang proceeds ay ibabase sa halaga ng  monthly pension ng mga pensiyonado.

 

 

“In response to the devastation brought about by Super Typhoon Karding, we will offer these two programs in the areas to be declared under a state of calamity by the National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC),” ayon kay Regino.

 

 

“We are finalizing the guidelines for these programs, and we shall release them through our website and social media channels once available,” wika pa nito.

 

 

Dahil dito, hinikayat ni Regino ang mga miyembro ng SSS na mag-enroll sa  My.SSS Portal  ng  SSS website dahil ang aplikasyon para sa CLAP ay dadaan sa channel na ito.

 

 

Samantala, sa naging report pa ng NDRRMC, may  640,963 katao o 176,337 pamilya ang naapektuhan ng bagyong Karding sa  1,372 barangay sa  Ilocos, Cagayan, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol, at Cordillera.

 

 

Sa apektadong populasyon, 25,177 katao o  6,435 pamilya ang nananatili sa loob ng  391 evacuation centers,  habang may 15,286 indibidwal  o 3,482 pamilya ang namamalagi sa ibang lugar.

 

 

Bukod pa sa, may kabuuang 23,151 pamilya o  91,169 katao ang ‘pre-emptively evacuated.’

 

 

“A total of 20,628 houses sustained damage—18,110 partially and 2,518 totally—in Ilocos, Cagayan, Central Luzon, and Cordillera due to Karding,” ayon sa NDRRMC. (Daris Jose)

Other News
  • Meralco may 5 malaking pambabakod kay Fajardo

    INAASAHAN na ng marami na mabibigyan  ng contract extension si Raymon ‘Jammer’ Jamito sa Meralco dahil sa impresibong pinakita sa 45th Philippine Basketball Association 2020 Philippine Cup bubble sa Angeles City.   Namemeligro naman si Siverino ‘Nonoy’ Baclao Jr. dahil hindi nakapaglaro sa Pampanga bubble na naipit sa pag-lineup sa kanya noong isang taon at […]

  • PBBM, itinalaga si Isidro Purisima bilang acting Presidential Peace, Reconciliation, and Unity adviser

    PATULOY ang ginagawang pagpupunan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga bakanteng posisyon sa gobyerno.     Sa katunayan, itinalaga nito si Isidro Purisima bilang  acting Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (PAPRU).     Magiging acting head siya ng OPAPRU o Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity, dating Office […]

  • “BAWAL ang caroling sa Maynila.”

    ITO ang ipinahayag ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ngayong araw kung saan hindi papayagan ng lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila ang pangangaroling ngayong Kapaskuhan.   Ang naturang pahayag ni Domagoso ay alinsunod sa ipinapatupad na alituntunin ng Inter-Agency Task Force (IATF) hinggil sa pinapairal na health protocols upang hindi na kumalat pa ang […]