• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SSS nagpaalala sa deadline ng pagbabayad ng contribution sa NCR Plus areas

Nagpaalala ang Social Security System (SSS) ang mga employer na hanggang Abril 30 na lamang ang deadline ng remittances ng February contributions ng kanilang empleyado.

 

 

Sinabi ni Aurora Ignacio ang SSS president and chief executive, ang mga deadline ay para lamang mga employer na nasa Metro Manila, Bulacan, Rizal, Laguna at Cavite na nakalagay sa modified enhanced community quarantine (MECQ).

 

 

Magugunitang pinalawig ng SSS ang deadline ng remittance noong Pebrero na mula sa dating hanggang Marso 31 ay ginawa ito sa Abril 30 matapos na ilagay ang nabanggit na ng mga lugar sa enhance community quarantine mula Marso 20-Abril 11.

 

 

Umaasa naman si Ignacio na makakatugon ang mga employers para hindi na sila magbayad pa ng mga penalties.

Other News
  • PALARONG PAMBANSA 2020, KANSELADO SA COVID-19

    BILANG bahagi ng pag-iingat sa paglaganap ng COVID-19 , pormal nang ipinahayag ng Department of Education (DepEd) ang pagpapaliban sa 2020 Palarong Pambansa na gaganapin sana mula May 1 hanggang May 9, 2020.   Sa panayam sa telebisyon, sinabi ni Marikina Mayor Marcelino Teodoro na host ng 2020 Palaro ang naging desisyon matapos ang pakikipagpulong […]

  • Inakalang dahil buntis kaya sumasakit ang balakang: ANGELICA, nadiskubre na may bone death kaya sumailalim sa medical procedure

    NAKALULUNGKOT at shocking ang rebelasyon ni Angelica Panganiban sa kanyang Youtube video.     Ayon kasi mismo sa aktres ay may sakit siya, na tinatawag na Avascular necrosis o bone death, na kinailangang isailalim siya sa medical procedure.     “I have Avascular Necrosis,” pahayag ni Angelica na inakalang ang pananakit ng kanyang balakang dati […]

  • Angkas at Joyride malapit nang makapag-operate muli

    NANINIWALA si Presidential Spokesperson Harry Roque na mabibigyan ng otorisasyon ang Angkas at Joyride para muling makapag-operate at makabiyahe.   Ayon kay Sec. Roque, ngayong nasa Kongreso na ang bola para makapagpalabas ng Congressional resolution sa rekomendasyon ng IATF para makabiyaheng muli ang Joyride at Angkas, naniniwala aniya siyang itoy mapagbibigyan.   Nasa ilalim aniya […]