SSS, pinalawig pa ang contribution payment deadline sa mga Odette-hit areas
- Published on February 14, 2022
- by @peoplesbalita
INANUNSYO ng Social Security System (SSS) ang pagpapalawig ng deadline ng pagbabayad ng kontribusyon para sa mga piling buwan noong 2021 hanggang Pebrero 28, 2022, sa mga lugar na idineklara sa ilalim ng state of calamity kasunod ng pananalasa ng Bagyong Odette.
Sa isang pahayag, sinabi ng kagawaran na naglabas ito ng SSS Circular No. 2022-004 na may petsang Pebrero 9, 2022.
Pinalawig ng circular ang deadline ng pagbabayad ng kontribusyon hanggang sa katapusan ng Pebrero para sa mga buwan ng Nobyembre at Disyembre 2021 ng mga business at household employers; at Oktubre hanggang Disyembre 2021 ng mga miyembro ng coverage and collection partners (CCPs), self-employed, voluntary, non-working spouse (SE/V/NWS), at land-based Overseas Filipino Worker (OFW) sa mga sumusunod na rehiyon:
Region IV-B (MIMAROPA),
Region VI (Western Visayas),
Region VII (Central Visayas),
Region VIII (Eastern Visayas),
Region X (Northern Mindanao), at
Region XIII (CARAGA)
Para sa mga employer na may inaprubahang installment proposal, ang kanilang mga post-date na tseke na dapat bayaran sa Disyembre 2021 at Enero 2022 ay idedeposito sa o bago ang Pebrero 28, 2022.
Napag-alaman na nagbukas din ang SSS ng calamity assistance package para sa mga miyembro at pensiyonado nitong naapektuhan ng Bagyong Odette.
Ang mga programa sa ilalim ng package ay ang Calamity Loan Assistance Program para sa mga miyembro at tatlong buwang advance pension para sa SS at EC pensioners, na tatakbo hanggang Abril 13, 2022; at ang Direct House Repair and Improvement Loan Program, na magbubukas para sa mga aplikasyon hanggang Disyembre 23, 2022.
-
DILG may sapat na contact tracers dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19
Tiniyak ng Department of Interior and Local Government (DILG) na mayroon silang sapat na contact tracers lalo na ngayong patuloy muli ang pagtaas ng kaso ng COVID-19. Sinabi ni DILG Secretary Eduardo Ano, na naging agresibo ang mga local government units sa paglaban ng banta ng Omicron coronavirus variant. Ipinatupad aniya […]
-
17 sangkot sa game-fixing scandal sa MPBL, haharap na sa kasong kriminal
Magsasampa na ang mga prosecutors ng criminal charges laban sa 17 indibidwal na sinasabing sangkot sa match-fixing scandal sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) noong 2019. Sa resolusyon ng Department of Justice (DoJ), nakitaan daw ng probable cause ang isinampang reklamo laban sa mga naturang indibidwal dahil sa paglabag sa Presidential Decree 1602 […]
-
2 bata ni Pacquiao mas bet sa amo si McGregor
MAS gusto ng kampo ni World Boxing Association (WBA) super welterweight champion Emmanuel Pacquiao na si dating Ultimate Fighting Championship (UFC) featherweight at lightweight titlist Conor Anthony McGregor ng Ireland ang makalaban sa papasok na taon. Ito ay kaysa kina World Boxing Council (WBC), International Boxing Federation (IBF) ruler Errol Spence Jr. at World […]