Standing ng Pilipinas ukol sa estado ng pagtugon nito sa COVID-19, patuloy na gumaganda ayon sa WHO
- Published on January 29, 2021
- by @peoplesbalita
IPINAGMALAKI ng Malakanyang ang patuloy na paglayo ng Pilipinas sa listahan ng mga bansa sa buong mundo na may pinakamaraming naitalang active cases, bilang ng namatay at iba pang datos na may kinalaman sa pandemya.
Base sa ipinresentang datos ni Presidential Spokesman Harry Roque, nasa ika- 32 na ang Pilipinas mula sa pagiging ika- labing walong puwesto sa pinakamaraming naitalang kaso ng corona virus, worldwide.
Tinatayang, nasa 42 naman ang ranking ng bansa sa dami ng active cases habang sa kaso ng COVID per one million population ay nasa ika- 131 ang Pilipinas.
“Sa total number of cases po, tayo po ay 32 sa mundo – nanggaling po tayo sa 18 noong Oktubre. Sa active cases naman po, tayo po ay number 42 sa buong mundo; ang active cases po natin ay 33,603. Sa COVID-19 cases per one million population, tayo po ay nasa 131 dahil ang kaso po natin per one million population ay 4,653 – 131 po tayo. At pagdating po sa case fatality rate o iyong mga namamatay, tayo po ay nasa number 77 – 1.99 po ang ating case fatality rate,” ayon kay Sec. Roque.
Pagdating naman sa case fatality rate ayon kay Roque ay nasa ika- 77 aniya ang Pilipinas matapos makapagtala ng nasa 1.99 na case fatality rate.
Sinabi pa ni Sec. Roque na patuloy na gagawin ng pamahalaan ang buong makakaya nito para mapababa pa ang kaso ng corona virus.
“Well, iyong sa mga dating bumabatikos sa atin, bakit wala po tayong naririnig ngayong nag-improve na po ang ating ranking worldwide. Patuloy po tayong gagawin ang pinakakaya nating gawin para mapababa ang mga kaso ng COVID-19 at maski mayroon pong mga bagong COVID-19 variant, sumunod lang po tayo sa pakiusap ng Presidente – MASK, HUGAS at IWAS. Iyan pa rin po ang ating panlaban sa COVID-19 kasama na rin po ang tamang pagkain, ehersisyo at sapat na tulog,” pagtiyak ni Sec. Roque. (Daris Jose)
-
85% ng COVID-19 patients sa ICU, ‘di bakunado – DOH
Mayorya o nasa 85 porsyento ng mga pasyenteng may COVID-19 na nasa intensive care units (ICU) ng mga ospital sa National Capital Region (NCR) ay hindi bakunado at nangangailangan ng mga ‘mechanical ventilators’. “Over the week, we have noted a steady increase in hospital admissions in Metro Manila. Data from DOH hospitals in […]
-
Teaser ng horror film ni JULIA, pinusuan at kinatakutan ng netizens; ANGELI, muling magpapa-init sa pagpapa-silip ng alindog
INI-RELEASE na ang official teaser ng horror film na ‘Bahay Na Pula’ na pinagbibidahan ni Julia Barreto, kasama sina Xian Lim, at Marco Gumabao na mula sa Viva Films at Center Stage Productions. Mula ito sa award-winning director na si Brillante Mendoza at sa teaser ay marami na ang nagandahan at ‘yun iba […]
-
Sabong balik-ruweda na; pagkakaisa ng gamefowl associations kinilala ng GAB
SA unti-unting pagbabalik ng sabong (cockfighting), nananalaytay muli ang sigla ng mga Pinoy na nakasandal sa industriya at naisakatuparan ito dahil nagkaisa at nagtulungan ang lahat ng indibidwal at grupo na kaagapay sa kabuhayan ng sambayanan. Mismong si Games and Amusements Board (GAB) Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra ang per- sonal na nagpasalamat at nagbigay […]