‘State of public health emergency, ‘di pa aalisin hanggang sa katapusan ng 2022’
- Published on August 19, 2022
- by @peoplesbalita
PAPALAWIGIN pa ang umiiral na state of public health emergency sa Pilipinas na inisyal na idineklara dahil sa COVID-19 outbreak hanggang sa katapusan ng taong 2022.
Sa isinagawang vaccination campaign ng Department of Health na dinaluhan ng Pangulong Bongbong Marcos sa lungsod ng Maynila, sinabi ng Pangulo na kung ititigil ang state of emergency, matitigil din ang mga assistance na ibinibigay mual sa international medical community kabilang na ang World Health Organization.
Kung kaya’t tinitignan aniya na amyendahan ang batas pagdating sa procurement sa ilalim ng state of emergency na matatagalan pa kayat malamang papalawigin pa ito hanggang sa katapusan ng kasalukuyang taon.
Una ng idineklara ang public health emergency ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong March 8, 2020 upang matugunan ang banta dulot ng covid-19 sa pamamagitan ng mandatory na pag-ulat sa bagong cases, pagpapaigting ng government response, pagpapatupad ng quarantine at disease control measures. (Daris Jose)
-
P2.7 milyon halaga ng shabu nasabat sa buy bust sa Navotas
Nasamsam ng mga awtoridad ang mahigit sa P2.7 milyon halaga ng shabu sa isang hinihinalang drug pusher na natimbog sa isinagawang buy bust operation sa Navotas City, kahapon ng madaling araw. Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong suspek na si Crisanto Lazaro, 39 ng 300 Roldan St.Brgy. Tangos South. […]
-
Lobrequito, 3 pa tagilid sa Summer Olympic Games
SABLAY makipagbuno si freestyler Alvin Lobrequito sa Asian Wrestling Championships sa darating na Abril 12-17 sa Almaty, Kazakhstan bunsod ng kawalang Detailed Service (DS) permit sa Armed Forces of the Philippines (AFP). Namemeligro na rin ang pagdayo niya sa Sofia, Bulgaria kasama sina freestyler Jiah Pingot at Greco-Roman practitioners Jason Baucas at Noel […]
-
Pope Francis sa kanyang New Year message: ‘We want peace’
MULING nagpakita sa publiko si Pope Francis matapos na mapilitan itong lumiban sa New Year services ng Simbahang Katolika dahil sa naranasan nitong chronic sciatic pain. Kung maaalala, hindi nakadalo ang Santo Papa sa prayer service dahil sa sciatica, na pananakit mula sa ibabang bahagi ng likod hanggang sa ibabang parte ng katawan. […]