Statement ni Tiangco, campaign manager ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas
- Published on October 3, 2024
- by @peoplesbalita
NAGLABAS ng pahayag si Navotas Congressman Toby Tiangco na tumatayo bilang campaign manager ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas hinggil sa naging pasiya ni Senator Imee Marcos na magsarili sa muling pagtakbo bilang Senador sa Mayo 2025 election.
“Malaki ang respeto at paghanga natin kay Sen. Imee Marcos, lalo na sa kanyang mga adbokasiya at track record sa serbisyo publiko. Naniniwala ang Alyansa para sa Bagong Pilipinas sa kakayahan niyang maglingkod nang tapat sa mga Pilipino,” pahayag ni Cong. Tiangco.
“Patuloy na susuporta ang Alyansa kay Sen. Imee para sa tagumpay ng legislative agenda ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. para sa kaunlarang walang maiiwan at para sa magandang kinabukasan nating lahat,” dagdag pa niya.
Sa naunang pahayag ni Sen. Imee Marcos, nagpasalamat siya sa kanyang kapatid na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa pagkakataong mapabilang siya hanay ng mga tatakbong senador sa ilalim ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas ng administrasyon bagama’t mas pinili aniya niya na tumayong mag-isa upang hindi makaragdag sa mahirap na kalagayan ang kanyang nakababatang kapatid.
Pinasalamatan din ng Senador ang kanyang kapatid sa patuloy na pagtatanggol sa kanya sa kabila ng galit at matinding kalupitan ng iilan. (Richard Mesa)
-
10 pang local government units, lumagda para sa flagship housing program ni PBBM
NADAGDAGAN pa ng 10 local government units (LGUs) ang lumagda para maging partner ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) sa kanilang misyon na makapagpatayo ng isang milyong bahay kada taon sa susunod na anim na taon. Ang naturang proyekto ay nasa ilalim ng flagship Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program […]
-
Lakers coach Frank Vogel sinibak sa puwesto – report
SINIBAK na sa puwesto ang head coach ng Los Angeles Lakers na si Frank Vogel. Ito ay matapos ang bigong pagpasok sa NBA playoffs ng Lakers ngayong season at nagtapos ngayong season na mayroong 33 panalo at 49 na talo. Naging coach ng Lakers si Vogel noong 2019 kapalit ng tinanggal […]
-
Robredo natuwa sa muling paglipat sa kanila ng ex-Isko Moreno supporters
POSITIBO ang naging pagtanggap ng kampo nina 2022 presidential candidate at Bise Presidente Leni Robredo sa pag-endorso sa kanila ng iba pang nasa liderato ng Ikaw Muna (IM) Pilipinas, na dating sumusuporta sa kandidatura ng katunggaling si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso. Martes lang kasi nang ilipat nina Tim Orbos at Elmer […]