Steph Curry inangkin ang ika-2 NBA scoring title
- Published on May 20, 2021
- by @peoplesbalita
Napasakamay ni Stephen Curry ang kanyang ikalawang NBA scoring crown habang inangkin ng Portland Trail Blazers ang No. 6 berth sa Western Conference playoffs sa pagtatapos ng regular season games.
Sa San Francisco, nagpasabog si Curry ng 46 points sa 113-101 pagbugbog ng Golden State Warriors (39-33) sa Memphis Grizzlies (38-34) para kunin ang No. 8 spot sa play-in tournament sa West.
Nakamit ng 33-anyos na si Curry, naglista ng 32.0-point scoring average sa regular season, ang ikalawa niyang scoring title matapos noong 2015-16 season.
Sa Portland, tumipa si Damian Lillard ng 22 points at 10 assists sa 132-116 paggupo ng Trail Blazers (42-30) sa Denver Nuggets (47-25) at kunin ang No. 6 seat sa West playoffs.
Muling maglalaban ang No. 6 Blazers at No. 3 Nuggets sa first round ng playoffs.
Ang panalo ng Blazers ang naghulog sa nagdedepensang Los Angeles Lakers (42-30) sa play-in tournament sa kabila ng 110-98 panalo sa talsik nang New Orleans Pelicans (31-41).
Sasagupain ng No. 8 Warriors ang No. 7 Lakers sa play-in tournament sa West at lalabanan ng No. 9 Grizzlies ang No. 10 San Antonio Spurs (33-39).
Sa Sacramento, humataw si Fil-Am Jordan Clarkson ng 33 points sa 121-99 pagsagasa ng Utah Jazz (52-20) sa talsik nang Kings (31-41) para kunin ang No. 1 spot sa West playoffs.
Sa Atlanta, inupuan ng Hawks (41-31) ang No. 5 seat sa East playoffs sa 124-95 pagdomina sa talsik nang Houston Rockets (17-55).
Sa New York, naglista si Kevin Durant ng 23 points, 13 assists at 8 rebounds sa 123-109 panalo ng Brooklyn Nets (48-24) sa talsik nang Cleveland Cavaliers (22-50) para sa No. 2 berth sa East playoffs.
Inangkin naman ng New York Knicks (41-31) ang No. 4 spot sa East sa 96-92 pagdaig sa Boston Celtics (36-36).
-
COCO at JULIA, mala-Mr. & Mrs. Smith ang peg sa promo shot para sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’
MALA-Mr. & Mrs. Smith ang peg ng promo shot nina Coco Martin at Julia Montes para sa FPJ’s Ang Probinsyano. Kaya naman may kanya-kanyang reaction ang netizens na ‘yun iba ay hindi nagustuhan. “Yung Probinsyano naging Spy na.” “Mr. And Mrs. Smith ang peg… “Bansot version. Anlayo ng Brad […]
-
Mga laro sa PBA tuluyan ng kinansela dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19
Itinigil ng Philippine Basketball Associaton (PBA) ang nagaganap ng mga laro sa 2021-2022 Governors’ Cup dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa. Sa unang plano kasi ay temporaryo muna nilang ititigil ang mga laro ng isang linggo subalit nagdesisyon ang mga boards na itigil muna ito ng walang katiyakan. […]
-
Pinay powerlifter sa Tokyo Paralympics nagpositibo sa COVID, coach ‘di na rin makakasama
Labis labis ang pagkadismaya ng isa sa mga atleta ng Pilipinas na sasabak sa 2020 Tokyo Paralympics matapos na hindi matuloy dahil sa nahawa sa COVID-19. Una rito kinumpirma ni Philippine Paralympic Committee (PPC) president Michael Barredo na dinapuan ng virus si Filipina powerlifter Achele Guion. Dahil dito maging ang kanyang […]