• July 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Stock na bigas ng PH, inaasahang tataas ngayong Oktubre – DA

INAASAHANG tataas ang stock ng bigas sa Pilipinas ngayong Oktubre dahil sa inaasahang maaani na 1.9 million metrikong tonelada ng bigas.

 

 

Ayon kay Department of Agriculture – Bureau of Plant Industry Director Glenn Panganiban, inaasahang magtatagal ang suplay ng bigas hanggang 74 araw na tumaas mula sa 52 noong Setyembre.

 

 

Bunsod na rin ito ng inaasahang malakihang ani para ngayong buwan at sa Nobiyembre kayat asahan aniya ng publiko na magiging stable o matatag ang suplay ng bigas.

 

 

Una ng sinabi ng DA na magsisimulang mag-stabilize ang mga presyo ng palay at bigas kasabay ng pagsisimula ng anihan ng mga magsasaka noong Setyembre at Oktubre.

Other News
  • P1.3 B nakalaan sa libreng sakay

    NAGLAAN ang Department of Budget and Management (DBM) ng P1.3 billion para sa programa ng pamahalaan sa service contracting kung saan ang libreng sakay ay ibibigay sa mga pasahero sa loob at labas ng Metro Manila.       Ayon kay DBM secretary Amenah Pangandaman nasa ilalim ng 2023 national budget, ang P1.285 billion ay […]

  • PVL schedule inilabas na

    INILABAS na ng Premier Volleyball League (PVL) ang schedule nito para sa Open Conference na papalo sa Marso 16 sa Paco Arena sa Maynila.     Sa opening day, u­nang masisilayan ang salpukan ng Champions League titlist F2 Logistics at Philippine Army sa alas-3 ng hapon na susundan ng bakbakan ng reigning Open Confe­rence champion […]

  • Hidilyn Diaz desididong makakuha ng gold medal sa 2024 Olympics

    DESIDIDO si Olympic gold medalist Hidilyn Diaz na makakuha muli ng gintong medalya.     Ayon kay Pinay weightlifter na nais niyang maulit ang pagkakawagi nito gintong medalya sa papalapit na 2024 Paris Olympics.     Dagdag pa nito na gagawin niya ang lahat ng makakakaya para makuha ang nasabing medalya.     Pinayuhan din […]