• December 26, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

STUDENT HEALTH PROFILING SA EDAD 12-17 SINIMULAN NA SA VALENZUELA

SINIMULAN nang ipatupad ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ang Student Health Profiling para sa mga estudyanteng 12 hanggang 17 taong gulang dahil sa napipintong pagbabakuna sa mga menor de edad laban sa COVID-19.

 

 

Ayon kay Mayor Rex Gatchalian, Setyembre 22 ang simula ng profiling, at kung ang anak ay nag-aaral sa public school sa lungsod, makipag-ugnayan sa class adviser o school principal para sa Student Health Profile information sheet na maaaring makuha o i-fill-out sa pamamagitan ng Google Form.

 

 

Kung ang anak naman ay nag-aaral sa private school sa lungsod, ang Pamahalaang Lungsod ay makikipag-ugnayan sa mga private school heads, at makipag-ugnayan lamang sa kanila o sa class adviser ng anak para makakuha ng Student Health Profile information sheet.

 

 

Para naman sa mga estudyanteng Valenzuelano na nag-aaral sa public o private schools sa labas ng Valenzuela, abangan ang ilalabas na URL/website link para sa online submission ng Student Health Profile.

 

 

Ipinaalala ng Pamahalaang Lungsod na tanging mga magulang/ authorized guardian lamang ang maaaring kumuha at/o mag-fill out ng Student Health Profile information sheet; italaga ang mga tamang impormasyon ng anak at; ipasa muli ang information sheet sa guro ng anak.

 

 

Ang pagbabakuna sa mga menor-de-edad sa Valenzuela ay bukas para sa mga estudyanteng nasa Grades 6 to 12 o nasa edad 12-17 taong gulang.

 

 

Giit ng Pamahalaang Lungsod, taga-Valenzuela man o hindi, basta’t nag-aaral sa lungsod ay maaaring mabakunahan laban sa COVID-19.

 

 

Inaaasahan umano ng City Hall ang kooperasyon at suporta ng bawat magulang/guardian at mag-aaral sa inisyatibong ito, at hinimok ang lahat na magpabakuna na para sa magandang kinabukasan. (Richard Mesa)

Other News
  • DIRECTOR BEN WHEATLEY TALKS ABOUT WHY HE WANTED TO HELM “MEG 2: THE TRENCH”

    DIRECTOR BEN WHEATLEY TALKS ABOUT WHY HE WANTED TO HELM “MEG 2: THE TRENCH”     BEN Wheatley is known for directing horror, but his best-known work include the quiet sort of horror from psychological thrillers like “Kill List” and thrilling mysteries like “Rebecca” – as opposed to screamfests such as “Meg 2: The Trench.” […]

  • El Niño nagsimula na – PAGASA

    PORMAL  nang nagsimula ang El Niño phenomenon sa bansa. Ito ang idineklara sa ginanap na briefing ng PAGASA kahapon at nagsabing naitaas na nila ang antas ng warning status mula El Niño Alert na ngayon ay El Niño Advisory. Ayon sa PAGASA, mahina pa ang kasalukuyang El Niño pero nagpapakita na ng mga senyales na […]

  • James nagpasikat sa panalo ng Lakers vs Wolves

    Kumolekta si LeBron James ng 25 points, 12 rebounds at 12 assists para sa kanyang ika-99 career triple-double para banderahan ang nagdedepensang La­kers sa 137-121 paghuli sa Minnesota Timberwolves.     Umiskor din si Montrezl Harrell ng 25 points para sa panalo ng Lakers (27-13), nakahugot kina Dennis Schröder, Kyle Kuzma at Talen Horton-Tucker ng […]