• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SUE at MARIS, sumabog ang galit sa ginawang pambababoy sa kanila; ABS-CBN, kinondena ang pagpapakalat ng fake nude photo

NAGLABAS na ang ABS-CBN at Star Magic ng official statement regarding sa fake nude photo nina Sue Ramirez at Maris Racal na patuloy na nagsi-circulate online.

 

 

Narito ang full statement ng Kapamilya Network:

 

 

“It has come to our attention that maliciously edited images of our talents, Sue Ramirez and Maris Racal, have been circulating online.

 

 

“ABS-CBN and Star Magic condemn the act of illegally manipulating photos of celebrities or anyone, which is a form of gender-based online sexual harassment under RA 11313 or The Safe Spaces Act.

 

 

“We would like to appeal to everyone to stop sharing these fake photos on social media. The welfare of our talents is our top priority, and we intend to pursue legal action against the perpetrators and anyone who posts, distributes, or duplicates these images.

 

 

“Everyone should be treated with dignity and respect, even on social media.”

 

 

Bago lumabas ang statement, nag-tweet na si Maris ng, “There’s an edited photo of Sue and I spreading online. Kung sino man ang nag edit nun, wala kang utak. Itigil na ang pambabababoy ng katawan ng mga babae. Pagaari namin ‘to. 2021 na, manyak ka pa rin? Magbago na.”

 

 

Pinost naman ni Sue sa kanyang IG account ang original photo nila ni Maris na in-edit para maging nude photo.

 

 

“Repost ko lang ulit tong mga picture na to para hindi kayo NATATANGA sa fake news. Ewan ko ba kung anong dahilan at pinuputakte niyo kami ng ganito. Wag ko lang mahanap ang nagpapakalat ng kung ano-anong katarantaduhan na to. Ayoko na sanang magsalita pero ginagambala niyo ang katahimikan ng buhay ko. Umayos kayo. AT WAG TANGA PLS. Wag basta bastang naniniwala sa mga nakikita online. HINDI KAYO PINALAKING UTO UTO. Pls lang. Sumosobra na kayo. Sa mga nakakatanggap ng picture, siguro naman may delikadesa at respeto kayo enough to know na dapat hindi na kumalat pa ang PAMBABABOY na ito.”

 

 

Hindi rin napigilang I-post ni Sue ang edited photo nila ni Maris na sabog na sabog na ang galit sa mga gumawa nito at sa mga taong nagpapakalat pa online kahit kitang-kita naman na fake ang naturang nude photo.

 

 

Umpisa ng IG post niya, “NAKAKADIRI KA. SA LAHAT NG NAGSHARE NETO AT SA DEMONYO SA LUPA NA GUMAWA AT NAG EDIT NG KABABUYAN NA TO, NAKAKATAWA BA TO PARA SAINYO?!!!!”

 

Kaya panawagan niya, “Sa 8.1M followers ko, nakikiusap ako sainyo. Tulungan niyo ako na matapos na ang kulturang ito. Kulturang bumababoy sa mga kababaihan. Kulturang MAPANIRA. Kulturang KASUKLAM-SUKLAM.

 

 

“THIS CAN HAPPEN TO ANYONE. Sa nakakaalam kung san nagsimula ito, pls contact me through DM. Help me get to the bottom of this.

 

“HINDI NA TAMA ITO. Masyado na kayong nawiwili sa mga panggagago niyo samin. AYOKO NANG MANAHIMIK. ABUSADO KAYO.” (ROHN ROMULO)

Other News
  • Mayor Isko nagpositibo sa COVID-19

    Nagpositibo sa COVID-19 si Manila Mayor Isko Moreno.     Ayon kay Julius Leonen, hepe ng Public Information Office, nasa Sta. Ana Hospital na si Moreno, na dinala doon ng ambulansiya ng Manila City Government kahapon.     “Nakararamdam ako ng kaunting ubo, kaunting sipon. Masakit ang aking katawan ngayon,” ani Moreno.     Tiniyak […]

  • EUA application na isinumite ng Bharat Biotech, di pa rin aprubado ng FDA

    DAHIL sa kakulangan ng requirements kaya’t hindi pa rin nakapagpapalabas ng resulta ang Philippine Food and Drug Administration (FDA) kaugnay sa EUA application ng Bharat Biotech Vaccine na mula sa India.   Sa Laging Handa briefing sinabi ni FDA Usec. Eric Domingo, na noon pang Enero 2021 nakapagsumite ng aplikasyon ang Bharat Biotech pero may […]

  • 3,000 DAYUHAN, PINAUWI

    UMABOT sa 3,000 na mga dayuhan ang pinabalik sa kanilang bansa noong nakaraang taon dahil sa paglabag ng Philippine Imigration Law, ayon sa Bureau of immigration.     Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente, na naguna sa listahan ang  Chinese na 3,219 noong 2020, sumunod ang Vietnamese ( 60) habang  40 ang  Koreans, 25 ang […]