• November 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sunod na BIR chief ‘kokolektahin pa rin’ estate tax ng Marcoses

NANGAKO ang susunod na commissioner ng Bureau of Internal Revenue na kokolektahin pa rin nila ang tinatayang P203 bilyong estate tax ng pamilya Marcos na hindi pa rin bayad kahit sa ilalim ng administrasyon ni president-elect Ferdinand Marcos Jr. — aniya, kailangan nilang maging “good example.”

 

 

Ito ang banggit ni Lilia Guillermo sa panayam sa ANC, Miyerkules, habang sinasabing gagawin nila ito basta’t makuha na nila ang “tamang figures.”

 

 

“We have to convert those properties to cash para madagdag sa tax collections ng BIR. And ganun ang gagawin ko,” wika niya.

 

 

“Please give me time to look at the documents. How much are we talking about? I don’t know if it’s really 200-billion. If that is really the amount, imagine, it will really help collections of BIR.”

 

 

Marso 2022 lang nang sabihin ng kawanihang inuutusan nila ang pamilya Marcos na bayaran ang naturang utang. Taong 1991 nang ma-assess ng BIR na P23.29 bilyon ang naturang estate tax, ngunit nagkaroon na ito ng interes dahilan para ipako ito ng ilan sa P203.81 bilyon.

 

 

“Please give me time to look at the documents. How much are we talking about? I don’t know if it’s really 200-billion. If that is really the amount, imagine, it will really help collections of BIR.”

 

 

Paniwala ng susunod na BIR chief, ganito rin ang mismong magiging posisyon ni Diokno pagdating sa paghahabol ng naturang estate tax.

 

 

Sa kabila nito, una nang dumistansya si Diokno pagdating sa isyu ng estate tax, habang sinasabing “hindi dapat” idinidiin sa kanya ang bigat ng isyu.

 

 

Una nang sinabi ni outgoing Finance Secretary Carlos Dominguez III na desidido ang gobyernong kolektahin ang estate tax ng mga Marcos.

 

 

Marso lang nang magbabala si retired Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio na posibleng hindi makolekta ang mga naturang utang oras na umupo sa Malacañang si Bongbong.

 

 

Ang mga naturang buwis ay iba pa sa mga nakaw na yaman ng pamilya Marcos noong diktadura, na kinilalala na rin ng Korte Suprema noong 2003, 2012 at 2017. (Daris Jose)

Other News
  • MAHIGIT 100 TOLONGGES NA MTPB TRAFFIC ENFORCER SA MAYNILA, NASIBAK

    BILANG bahagi ng ipinatupad na “one strike policy” sinampolan ang isang traffic enforcer na nag-viral sa social media matapos itong sibakin dahil sa pauli-ulit na kasong mi-apprehension.     Ayon kay MTPB Director Dennis Viaje, Efren Fria ay sinibak  makaraang dumulog sa tanggapan ng MTPB ang motorista na kanyang tiniketan na kinilalang si Miguel Vistan. […]

  • 3rd Quarter Monthly allowance ng MPD police, naibigay na

    IBINIGAY na ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang 3rd quarter allowance sa lahat ng kapulisan na nakatalaga sa Manila Police District (MPD) ngayong araw.   Matapos ang isinagawang flag raising ceremony, mismong si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang nag-abot ng tseke sa ilang kapulisan na naglalaman ng kanilang “monthly allowance” simula buwan ng Hulyo, […]

  • Init titindi pa sa 16 lugar – PAGASA

    PINAPAYUHAN ng Philippine Atmospheric Geophy­sical Astronomical Service Administration (PAGASA) ang publiko na mas marami pang tubig ang inumin araw-araw bunsod ng mas tumitinding init ng panahon.     Ito’y ayon sa PAGASA, sa posibilidad na maitala ngayong araw sa 16 na lugar sa bansa ang delikadong lebel ng heat index o “dangerous heat index”.   […]