SUNOG SUMIKLAB SA SCHOOL, BOTOHAN, NAANTALA
- Published on May 9, 2022
- by @peoplesbalita
PANSAMANTALANG naantala ang botohan sa isang eskuwelahan matapos sumiklab ang sunog sa Malate, Maynila kaninang umaga .
Ayon sa Bureau of Fire Protection – National Capital Region, nangyari ang sunog sa Aurora Elementary School sa Malate, Maynila.
Dakong alas-8:52 ng umaga nang sumiklab ang sunog at idineklarang fire out ganap na alas 9:04 ng umaga.
Nag-overheat na ceiling fan umano ang pinagmulan ng sunog na agad namang nakontrol ng BFP .
Dahil sa sunog, nagambala ang pagboto dahil kailangang alisin ang mga vote counting machine (VCM) sa gusali.
Nagpulasan din ang mga nakapilang mga botante.(GENE ADSUARA)
-
LALAKI HULI SA BANTANG PAGPAPAKALAT NG HUBAD NA LITRATO NG MAGKAPATID
HUMINGI ng tulong sa pulisya ang magkapatid na dalagita matapos pagbantaan ng isang lalaki na ipapakalat ang edited na hubad nilang larawan. Sa reklamo ng biktima na itinago sa pangalang Judy , nakilala nito ang kanilang kapitbahay na si Balnit Turla Singh , 26, binata at nakatira sa Blk 17-A Baseco Compound, Port […]
-
Travel restriction sa Chinese travelers, ipatupad na
NANANAWAGAN ang isang health expert na magpatupad na ng mas mahigpit na travel restriction ang gobyerno sa mga biyahero na mula sa China para makatiyak na hindi kakalat sa Pilipinas ang panibagong wave ng impeksyon ng COVID-19. “We need to ask the Chinese visitors to submit RT-PCR test 48 hours prior to the […]
-
MISIS TODAS, MISTER KRITIKAL SA ISUZU WING VAN
NASAWI ang isang misis habang nasa kritikal naman na kalagayan ang kanyang mister matapos ng isang Isuzu aluminum wing van salpukin ang kanilang sinasakyang bisikleta sa Navotas City, kamakalawa ng gabi. Si Warlita Samano, nasa hustong gulang at residente ng 74 Orchids St. Brgy. Longos, Malabon City ay died on the spot sanhi […]